Chapter 62

1082 Words

"Good morning po, Mrs. Soles." Nakangiti kong bati at tumigil sa paglalakad sa harap niya bago ako nagpatuloy sa aking pagsasalita. "Nandiyan na po ba si Sir Chad?" pasimple kong tanong rito. Gumanti ito ng ngiti sa akin. "Masyado ka pa'ng maaga, at siya nga pala ito ang susi ng opisina ni Sir Chad. Ikaw na ang bahalang magtago niyan total naman ay mukhang magtatagal ka na rito bilang sekretarya niya," mahinahong sabi sa akin ni Mrs. Soles. Napakurap ako. "Po?" nagtataka kong tanong pero ngumiti lamang siya at inabot sa akin ang hawak niyang susi. Napatango na lang ako ng ipilit niya ang pagsiksik ng susi sa aking palad. "Ah opo, salamat po, Mrs. Soles," nauutal kong ani at parang wala ako sa sariling tinanggap ang susi. Makahulugan niya akong tiningnan. "Magaan ang loob niya sa 'yo!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD