Chapter 39

1136 Words

"What are you waiting for? 'Di mo ba narinig ang sinabi ko?" matigas nitong ani sa crew dahil nananatili pa rin itong nakatayo sa harap namin at kung hindi ito pinuna ay baka hindi pa rin ito kikilos. Nanlaki naman ang mga mata nito at halos lumuwa na dahil sa pagkakataranta. Makikita sa ekspresyon ng kaniyang mukha ang iba't ibang emosyon na hindi maipaliwanag. Ilang beses rin nitong binuka ang kaniyang bibig ngunit walang lumalabas na boses. Sino ba namang hindi kakabahan kung minsan mo na nga lang makikita ang boss mo tapos halos sigaw-sigawan ka pa. "A-ah, yes, Sir," nauutal nitong wika at mabilis na tumalikod sa amin. Halatang nenenerbiyos ito at 'di mapakali sa kaniyang mga kilos. Para bang hindi nito alam kung saan siya patungo. Nang tingnan ko ang mga taong nasa paligid namin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD