“Oh pa’no, kitakits na lang tayo bukas?” tanong ni Rigel. Nandito na kaming lahat sa parking lot at katatapos lang ng long quiz namin for Math for PhySci at recitations noong mga nakaraang araw sa ibang major subjects! My goodness! It was a hell week! “Can I invite my friends too?” tanong ko sa kanila. Naisipan kasi naming mag-bar bukas, Friday night, para naman ma-relieve ‘tong stress namin for this week, at gusto ko sanang isama sina Joanne at Glency. Though I doubt that they will come. “Yeah, you can. Mas maganda nga ‘yon at marami tayo. Okay lang naman sa inyo guys, right?” sagot ni Rigel na tumingin pa sa iba naming kasama. “Yeah.” “Okay lang samin.” Sang-ayon naman nila kaya napangiti ako. Buti na lang. Tutal, hindi ako nakasama last week nang mag-bar ‘yong dalawa, si

