“Ano na guys? Fifteen minutes na wala pa si Miss, kaya pwede na tayong umalis!” panghihimok ni Rigel samin. “Pwede ba, ‘wag mo nga kaming idamay sa katamaran mo? Nag-uumpisa pa lang ang klase pero pagka-cutting class na agad ang nasa isip mo.” Umingos si Leilani at saka inirapan si Rigel na nakasabit na ang bag sa balikat at papalabas na sana ng room. “Hindi ka naman kasi kasali! Hindi ikaw ang kausap ko! Pa-epal ka talaga! Sila lang ‘yong tinatawag ko ‘di ba? And for your information solar, nasa student’s handbook ‘yon na kapag wala pa ang professor in 15 minutes ay pwe—“ “Are you saying something Mister Domingo?” napabaling kaming lahat sa kabubukas lamang na pinto at doon pumasok ang Prof namin sa P.E na si Miss Sandagon. Dire-siretso itong naglakad papunta sa harap at saka

