Fly me to the moon And let me play among the stars Let me see what spring is like On a Jupiter and Mars Napatingin ako sa relo ko upang tignan ang oras. Magsa-sampung minuto na buhat ng makarating ako dito sa restaurant kung saan napag-usapan naming magkita para mapirmahan na nila ang kontrata. Nakasuot lamang ako ng nude ruffle armhole shirred hem top at saka pinaresan iyon ng high waisted jeans at brown loafers na mas nagpalitaw sa kaputian ko. I curled my shoulder-length hair into a light wavy one and let it loose. Naglagay rin lang ako ng light make-up para hindi ako magmukhang maputla sa harap nila. Biyernes ngayon kaya wala kaming pasok, bagaman kailangan naming magkita-kita nina Aries at ng grupo mamaya para sa sisimulan naming research. Nauna nang dumating sina Cindy

