“Here, baby, eat this.” napapanganga pang sabi ko habang sinusubuan ng pagkain si Calypso. Kagigising pa lamang niya at unti-unti nang bumabalik sa dati ang kanyang balat. Dito na rin kami natulog kagabi at nagpakuha na lamang ng mga gamit namin kay Astrid. Pwede na sana siyang ilabas kahapon pero nagpumilit akong mai-confine ang anak ko dahil hindi ako makalma hangga’t hindi ko nakikitang bumabalik sa dati ang hitsura niya. Abot-abot ang takot na naramdaman ko at hindi pa rin ‘yon humuhupa hanggang ngayon. Ayaw mapanatag ng kalooban ko dahil kahit na bumabalik na sa dati ang kanyang balat ay may mga bakas pa rin doon ng mga pula-pulang marka. “What happened to my grandson?” napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon at makita ang nag-aalalang mukha nina Mommy at Daddy. “Gr

