“Simba have Mufasa. Do I have Mufasa too, Mommy? Where is Daddy, Mommy?” Agad na nangilid ang luha ko dahil sa tanong niyang iyon. Dumating na ang isa sa mga araw na kinatatakutan ko. Matagal ko nang inisip ang dapat kong isagot – ang dapat kong sabihin. Ngunit ngayong narinig ko mismo sa kanya ang tanong ay para bang nawala lahat sa isip ko ang mga sagot na binuo ko. Para iyong mga lobo na isa-isang nagsiputukan. “Do I have my own Daddy too like Simba, Mommy?” pag-uulit niya. Parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa mga inosenteng mata niya. Nag-aasam na sana ay meron din siya. “Of course, baby . . .” pabulong kong sagot habang marahang hinahaplos ang kanyang buhok. “Really po, Mommy?” agad na nagningning ang mga mata nito. Marahil ay sa tuwa nang malamang

