Nagising ang diwa ko nang may maramdamang kamay na malakas na humampas sa pwet ko. ‘What the hell?!’ “Argh!” napadaing ako nang muling maulit ‘yon. Minulat ko ang mga mata ngunit agad ring naisara ‘yon nang sumalubong sa’kin ang sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas nang bintana. “Care to explain, hmm?” napamulat akong muli ng mata at tuluyan ng nagising nang tumambad sa akin ang masusungit na mukha ng mga kaibigan ko. Yeah right. Hindi ko pinaalam sa kanila ang pag-uwi ko at ang balak na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Gusto ko sana silang i-surpresa, kaso mukhang hindi na ata nakapaghintay ang balita na nandito ako at nakarating na agad sa kanila. Humihikab pa nang umupo ako ng kama at saka tumingin sa kanila. Nakasuot pa sila ng long sleeves shirt at slacks, tila p

