Hindi ko alam kung ilang bagay na ba ang pinagbangayan nina Rigel at Leilani, pero heto pa rin kami at nababagot na sa paghihintay na magbukas na ang Registrar’s Office. “Miss Almonte?” napalingon ako sa tumawag sa’kin. Nangunot ang noo ko nang malingunan kung sino man ‘yon. “Good morning po, Miss Sabrosa!” napabaling ako kina Dawn nang batiin nila si Ma’am— Natigilan ako at muling ibinalik ang tingin kay Ma’am Sabrosa. Hindi ko ito agad nakilala kaya naman hindi agad ako nakasagot. “Miss Almonte, ikaw ba ‘yan? Anong ginagawa mo dito?” naputol ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Ma’am. Napatingin naman sa’kin ang lima ng may pagtataka, marahil ay nguguluhan kung bakit kilala ako ni Ma’am. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat isagot kaya naman ngumiti na lang ako at

