“Oh my god! What the hell are you doing?!” napabaling ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Astrid— my cousin. Lumipat naman ang paningin ko sa nabasag na vase sa sahig na nadulas sa kamay ko dahilan para mabitawan ko ito at mabasag. Napabuntong hininga ako at saka tumingin ulit sa kanya at magkibit-balikat. “Nothing. I just accidentally dropped the vase. I’m—“ “Hey! Move aside!” pananaboy niya nang yuyuko na sana ako para pulutin ang mga bubog. Napabuntong-hininga na lang ako bago naupo sa malapit na couch habang sapo-sapo ang tiyan. Buti na lang at naka-bestida ako kung kaya’t hindi ako nahihirapan sa pagkilos lalo na sa pag-upo. Pinagmasdan ko ang pinsan ko na lumabas lang saglit at nang makabalik ay may dala-dala na itong walis at dustpan. Nakasuot lamang ito ng i

