Chapter 12

3257 Words

“Pinapanood mo na naman ‘yan?” Napatingin ako sa pinsan kong kauupo lang sa tabi ko. Napangiti ako at saka ibinalik ulit ang mata sa screen ng phone ko. “Paulit-ulit na lang . . . Araw-araw . . . Hindi ka ba nagsasawa diyan?” pagpaparinig pa nito sa ‘kin.   Inirapan ko na lamang ito habang nakangiting ipinagpatuloy ang panonood, sinusulit ang mga oras ng pahinga habang mahimbing pa ang tulog ni Baby Calypso.   Napakasarap lang sa pakiramdam na balikan ‘yong mga panahong nag-aagawan pa sa pagkarga sina Ate Kiana, Ate Phoebelyn at Mommy, na kahit si Daddy ay nakikipag-agawan na rin, kaya ang ending ay ako na lang ang kukuha dahil na rin sa takot na baka masaktan si baby.   Ganoon din noong mga panahong ako na lang ang mag-isang nag-aalaga kay baby dahil pagkatapos ng binyag ay nagsiuwi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD