Chapter 2

1069 Words
Hindi agad nakasagot si Isy at napatingin ito sa kaniyang ina. "Opo," tugon niya at yumuko ito. Bigla namang kumunot ang noo ng kaniyang ina sa narinig nito. Tamang-tama naman na dumating ang resulta at ibinigay ito ng nars. Binasa agad ang resulta at napatingin sa kaniyang ina. "Mrs., buntis ang inyong anak. Isang buwan na ito," pahayag ng doktora at nabigla naman si Isy sabay tingin sa kaniyang ina. "Ano?! Isy?!" bulyaw ng kaniyang Mama. Hindi makakibo ang dalagita at umiiyak ito dahil alam niya ang kahahantungan pag-uwi nila sa bahay. Nag-aapoy sa galit ang ina niya at pilit pinigilan ang sarili sapagkat nasa publikong lugar pa sila. Nang makarating sila sa bahay ay doon na umulbo ang galit ng kaniyang ina. "Daisy!" Gigil na gigil ang mama niya at sunud-sunod na sampal ang kaniyang natanggap mula rito. "Sorry, ma. " At lumuhod siya. "Ma ... Papa, sorry." Pag-uulit niya. "Anong sorry?! Nakakahiya ka, Isy! Ang batang-bata mo pa at naglalandi ka na. Hindi ka man lang nahihiya?!" Muli siyang binulyawan ng kaniyang ina at sinabunutan pa ito. "Ma, sorry po ... sorry po!" Walang tigil ang paghingi niya ng tawad at humahagulgol ito. Ngunit hindi man lang siya pinakinggan ng kaniyang mama. "Hindi kita mapapatawad, Isy! Lumayas ka dito! Wala kang kuwentang anak! Lumayas ka!" sigaw ng kaniyang Mama na patuloy pa rin siyang sinasaktan. "Noeme! Ano 'yang ginawa mo sa anak natin?! Tama na!" awat ng kaniyang ama na pilit pinigilan ang kaniyang ina. "Anong tama na?! Iyang anak mong malandi! Buntis!" Nabigla naman ang kaniyang ama sa narinig at napatitig sa bunso niyang anak. "Isy?" maikling sambit nito at tila binagsakan ng langit. "Papa, patawarin po ninyo ako ... Mama, patawarin niyo po ako." Muling lumuhod si Isy at nagbakasakaling mapatawad siya. Subalit nagiging bato ang puso ng kaniyang Mama at nilamon na ito ng galit. Nang mga sandaling iyon ay walang naawa sa kaniya. Sobrang nasaktan ang kaniyang ama kaya umiiyak ito at tinalikuran niya ang bunsong anak, sabay pasok sa kuwarto nilang mag-asawa. Ang kaniyang ate na si Jhennuel ay umiiyak rin ito habang pinagmasdan ang kapatid. Maawa man siya pero wala itong magagawa dahil malaking kahihiyaan ang ibinigay ni Daisy sa kaniyang mga magulang. "Jhennuel, kumuha ka ng ilang pirasong damit ng iyong kapatid para kahit papaano ay may baon siya sa kaniyang pag-alis!" galit na utos niya sa panganay nitong anak. Umakyat naman si Jhennuel sa kanilang kuwarto at kumuha ng ilang perasong damit at nilagay sa kaniyang bagpack. Kinuha rin niya ang kaniyang piggy bank at ipinasok rin niya ito. Sa tantiya niya ay mga isang libo na ang laman nito. Nang makababa na siya ay inutusan agad siya na ibigay sa kapatid ang bag. "Ate, sorry po." Paghingi niya ng tawad sa kapatid at patuloy pa rin sa pag-iiyak. Sobra naman siyang naawa kay Daisy. "Sorry, Isy. Wala akong magagawa para sa'yo," tanging nasabi ng kaniyang ate at niyakap siya. First year college pa lang si Jhennuel kaya wala rin siyang maitulong sa kaniyang kapatid. "Jhennuel!" bulyaw ng kaniyang ina kaya binitawan na niya si Isy. "Lumayas ka na at huwag na huwag kang magpapakita sa amin!" seryosong sabi ng kaniyang ina. Luhaang umalis si Daisy sa kanilang tahanan at hindi alam kung ano ang kaniyang gagawin. Naisipan niyang puntahan si Ian dahil ito na lang ang kaniyang inaasahan. Nang dumating siya sa bahay ng lalaki ay agad siyang nag-doorbell. Ang ina ni Ian ang nakabukas ng pinto. "Bakit? Sino ka?" tanong agad sa kaniya. "Magandang gabi po. Nandiyan po ba si Ian—" "Bakit, ano ang kailangan mo sa anak ko?! Ka babae mong tao ikaw pa ang pumupunta sa bahay ng lalaki!" galit nitong tanong. "Importante lang po, ma'am. Baka puwede ko siyang makausap kahit saglit lang." Pagmamakaawa niya. At maya-maya pa'y lumabas si Ian. "Isy?! Bakit ka nagpunta dito?! Napagalitan tuloy ako!" galit nitong tanong sa kaniya. "Ian, buntis ako, isang buwan na." Humihikbing pagtatapat niya niya. "Ano?!" Lumaki ang mga mata nito sa kaniyang narinig. "Sabi ko — buntis ako! Ian, tulungan mo naman ako pinapalayas ako ng aking pamilya at ikaw na lang ang aking inaasahan." Pagmamakaawa niya. "Hindi pa ako handa, Isy, mapapatay ako ni daddy kapag malaman niya ito!" Tila bumahag ang buntot ni Ian. "Pero sabi mo ikaw ang bahala sa akin, ang sabi mo mahal na mahal mo ako." Nagsimulang pumatak ang kaniyang mga luha. "Sandali!" Patakbong pumasok si Ian sa kanilang bahay at agad rin naman itong bumalik. "Isy, ito lang ang kaya kong maitulong sa'yo," pahayag niya, sabay abot ng dalawang libo na kinuha pa niya sa wallet ng kaniyang ama. "Ian, hindi pera ang kailangan ko! Ikaw ang kailangan ko at ang matuluyan." Humahagulgol siya at sobrang nasaktan. "Hindi puwede, Isy! Wala pa akong ibubuhay sa'yo. Please —Umalis ka na!" Galit itong pinagtatabuyan siya. "Hayop ka, Ian! Ang sabi mo hindi mo ako pababayaan! Sabi mo mag-iingat ka, pero ano itong ginawa mo sa akin?! Sinira mo ang buhay ko! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin! Kinasusuklaman kita!" Galit na umalis si Isy at hindi niya tinanggap ang pera. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada at hindi alam kung saan siya pupunta. Sumakay siya ng bus patungong Maynila, at walang kasiguraduhan kung saan siya mapadpad. Walang tigil sa pagluha ang dalagita at sising-sisi sa kaniyang kahinaan at katangahan sa pag-ibig. "Simula ngayon, Ian, kakalalimutan na kita at kahit kailan ay hindi ka magiging ama ng aking anak!" Pangako niya sa sarili, at puno sa galit ang kaniyang puso. Hindi niya alam ang Maynila, kaya hindi rin niya alam kung saan siya bababa, at kung saan siya pupunta. Subalit bumaba pa rin siya sa isang lugar na walang kasiguruhan, kung ano ang kaniyang patutunguhan. Naglalakad siya sa tabi ng kalsa na wala sa sarili, at hindi rin niya namalayan kung anong oras na. Kahit ang gutom ay hindi niya naramdaman. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina at bumagsak siya. Tamang-tama naman ang pagdaan ng isang magarang na sasakyan sa naturang lugar. At nakita nito ang kaniyang pagkabagsak, kaya dali-dali siyang huminto at bumaba upang sakluluhan ang dalagita. "Miss — Are you okay?!" yugyog ni Marshall sa dalagita. Dahil namumutla si Isy at wala pa ring malay kaya agad niya itong binuhat at isinakay sa back seat ng kaniyang sasakyan. Palingon-lingon siya sa paligid at naghahanap ng hospital. Ngunit sadiyang mailap ang hospital sa kanilang dinaanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD