Chapter 19

1516 Words
PAGKALABAS PA LANG NI Anthony sa may elevator ay nakita niya na si Clara na nakatayo sa may gilid ng lamesa nito. Bakit ba kasi walang silent mode ang elevator para hindi tumutunog na may dumating. Hindi niya alam pero tila siya pa ang nahihiya harapin ang sekretarya pagkatapos ng sinabi nito kahapon. Kelan pa siya nahiya? Diba nga f*ck boy siya? Dahil sa isipin na 'yun ay diretso na siyang naglakad upang ipakita rito kung sino siya. "Goodmorning Sir Anthony," masiglang bati ni Clara. Heto na ang kanyang simula upang landiin ang pasamantalang boss. "Go-goodmorning too," nautal pang sagot ni Anthony. F*ck boy pala, ah! tukso ng kabilang bahagi ng isip ni Anthony. "Coffee or me-i mean milk, yes, milk," matamis pang ngumiti si Clara. Sinadya niya talaga ang bagay na 'yun. Pangalawa sa golden rules ay to tease him. Napalunok naman si Anthony dahil sa offer nito na binawi rin agad. Bakit iba ang nararamdaman niya sa babaeng nasa harapan parang....parang.... "Sir," untag ni Clara ng nakatitig lang ito sa kanya.. Nabalik naman si Anthony sa sarili. "Oh, yeah. I prefer coffee but I also like milk special the fresh one," tugon ni Anthony at ang bilis ng mga paang humakbang papasok sa opisina ng makita niyang nanlaki ang mga mata ni Clara. Kasalanan nito, pakiramdam niya nilalandi siya nito. Sira ulo ka talaga Anthony! Akala ko ba hindi mo papatulan! sermon niya sa sarili pagkaupo niya. Iba talaga pakiramdam niya kay Clara. Siya kaya ang dahilan bakit nagpakulay ang dalaga ng buhok. Mas nakakaagaw kasi ng pansin niya ang may kulay ang buhok at aaminin niya mula ng masilayan niya si Clara sa bagong kulay ng buhok ay talagang naagaw nito ang atensyon niya. Pero, paano naman nalaman ng dalaga na ganun ang type niya? Nag-a-assume lang ba siya? "Argh!" inis na hinampas ni Anthony ang working table gamit ang isang kamay. Bakit ba niya pinoproblema ang bagay na 'yun? MEANWHILE at the pantry, Clara is busy preparing her temporary boss coffee with creamer. Habang abala ang kamay sa paghahanda ang isip naman niya ay abala rin sa pag-alala sa five golden rules. Naalala niya ang nangyari kahapon kung saan naitanong niya sa mga kaibigan kung masarap ba talaga pag malaki? Imbes na sagutin siya ay nagsiyayaan na umuwi. May pagkabastos talaga mga kaibigan niya. Gusto niya sana lapitan 'yung bata na busy sa pagdila ng malaking lollipop. Natuwa kasi siya dahil parang sarap na sarap ito tapos 'yung lollipop hindi 'yung tig-piso. Hula niya nasa bente pesos 'yun. Kaso, hinila na siya palabas. Sayang tuloy. Balak niyang maghanap at bumili para siya na lang sasagot sa tanong niya. Napairap sa hangin si Clara nang maalala na naman ang nangyari kahapon. At dahil tapos na siya sa pagtimpla ng kape ay inihatid na niya ito. Pagkapasok ni Clara sa opisina ay maingat siyang humakbang patungo sa table ni Sir Anthony. "Your coffee, sir." Nag-angat naman ng tingin si Anthony mula sa binabasang papel. "Thanks," maiksi niyang sagot. Ayaw niya muna maglalapit kay Clara dahil ginugulo nito ang mga braincells niya. Hindi agad umalis si Clara pagkatapos sabihin kay Sir Anthony ang schedule nito. Dahil saktong-sakto ang golden rule number three; compliment him sa mga oras na 'yun. "Sir, you look so sexy in that long sleeve" puri ni Clara sa mahinang boses pero sapat upang marinig nito. Nahihiya pa rin naman siya sa mga gagawin. Mukha lang siyang matapang pero may hiya pa siya. Natigilan si Anthony at tila nag-init ang kanyang mukha. Did she gives him a compliment? Bakit tila iba ang dating sa kanya. Nainitan kasi siya kahit may aircon naman kaya inalis niya ang suot na coat. "I go ahead, sir. Just call me once you need anytime. I'm always available," nagpaalam na si Clara dahil palagay niya pati siya ay namumula na rin sa kahihiyan. Nang marinig ni Anthony ang pagsara ng pinto ay napamura siya. Naramdaman niya rin na napigil niya pala ang hininga kanina. Napadako ang tingin niya sa pintong nakasara. Anthony was confused. Parang may mali talaga? And he needs to find it as soon as possible. SUMAPIT ANG LUNCH BREAK kaya alam na kung saan makikita ang apat. "So, any progress?" tanong agad ni Sarah pagkaupo pa lang nila. Excited talaga siya malaman kung ano reaction ni Sir Anthony. "Baka puro palpak na naman ang pinaggagawa mo, Clara," taas kilay namang sabad ni Jayson. Nanahimik lang naman si Raymond dahil hindi niya makuha ano pinaglalaban ng mga ito. "I think I did it well...sort of..." di siguradong tugon ni Clara. Pero sure siya na nagawa niya. Napailing na lang ang tatlo at nagsimulang kumain. "Jayson, saan makakabili ng lollipop ung malaki?" basag si Clara sa katahimikan. Napakunot noo naman si Jayson. "Meron bang ganun?" "Oo, kagabi, 'yung bata meron. Sarap na sarap pa nga siya dilaan kaya nga natanong ko kung masarap ba kapag malaking lollipop." Napaawang naman ang bibig ng tatlo ng ma-realized ang kaganapan kagabi at sabay-sabay na natawa. Mga madumi kasi ang utak. Napaangat sila ng tingin ng may tumikhim. Nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa napakagwapong nilalang sa harapan nila. Maging ang ibang nasa table ay halos mabali ang leeg upang masilayan lamang ito. "Si-sir Anthony," bati ni Raymond na siyang unang nakabawi. "Good afternoon po," sabay namang bati nina Sarah at Jayson. "Sir, bakit ka nandito?" tanong naman ni Clara. Ano nga naman kasi ang ginagawa nito sa loob ng canteen. "Ano ba ginagawa sa canteen?" balik-tanong ni Anthony na may ngisi sa mga labi. "Malamang kakain," sagot naman ni Clara na parang wala lang ang presensya ng binata. "May I join you? Only my cousin secretary I know so..." Parang batang nagpacute pa si Anthony na muntik ng ikatili ni Jayson pero hindi ng ibang babaeng empleyado na naroon sa kalapit nilang lamesa na talagang tumili. "Sure Sir," si Raymond na ang sumagot. Tumayo pa siya upang ipangkuha ng isa pang upuan ang boss. Itinabi niya ito kay Clara. Magkatabi kasi si Clara at Jayson. Wala namang inaksayang oras si Anthony at umupo sa tabi ni Clara na busy sa pagsubo at walang pakialam sa paligid. Napansin naman ni Jayson 'yun na nagbalik na sa sarili kaya siniko niya si Clara. "Umayos ka girl, kakahiya ka. Katabi mo siya, manners ok!" bulong niya kay Clara na siniguradong ito lamang ang makakarinig. "Sir, 'yung order n'yo po." Sulpot ng isang serbidora sa canteen. Halatang kinikilig ito. "Salamat," tipid na tugon ni Anthony. Nang hindi pa umaalis ang serbidora ay pinanlakihan ito ng mga mata ni Jayson. At mukhang natakot dahil ang bilis kumaripas ng takbo. "Wow, kumakain ka pala ng sinabawang tahong?" komento ni Clara ng makita ang pagkaing inilapag sa harapan ni Sir Anthony. "Oo naman, paborito ko kaya ang sinabawang tahong, lalo na 'yung maraming sabaw," turan ni Anthony na may gustong ipahiwatig. Halos lahat ng nakarinig sa sinabi ng binata ay napasinghap maliban lang kay Clara. Napailing na lang si Anthony. Still innocent! "Kain na tayo," aya ni Clara. Sa pagitan ng pagkain ay nagpakilala sina Jayson, Raymond at Sarah kay Anthony. Tama nga ang hinala ng binata, ang tatlo ang nagkukulay sa inosenteng isipan ni Clara. "Ang sarap mo naman kumain ng tahong, Sir. Bakit kailangan mo pa dilaan? Pwede naman subo mo na agad?" komento ni Clara ng mapansin kung paano kumain ang boss. Lingid sa kaalaman niya ay sinasadya 'yun ni Anthony. Gusto nito malaman hanggang saan na nakarating ang pagkulay sa isip ni Clara. "Mas masarap kasi kapag didilaan mo muna to savor the taste." Ipinakita pa ni Anthony kung paano niya binuksan ang isang tahong at kinuha ang laman nun pagkatapos ay inilabas niya ang dila upang dilaan ang gitna ng tahong habang matiim na nakatingin rito. Halos lahat naman ng nakatingin kay Anthony ay halos napapalunok at namumula dahil iba ang nasa isipan nila hindi katulad ni Clara na nakakunot noo lang na pinagmamasdan ito. "Ang sarap lalo na at mataba ang mga tahong," sambit pa ni Anthony bago tuluyan isinubo ang isang pirasong tahong na kanyang dinilaan. Rinig ang mga pagpapakawala ng hininga sa paligid na tila biglang kinapusan ng hininga. Sina Sarah at Jayson naman ay parang biglan nauhaw na mabilis na naubos ang isang basong tubig. Habang si Raymond ay di makapaniwala sa ginawa ng boss nila. "Ang takaw mo naman! Patikim din ako ng tahong mukhang masarap nga, kailangan ko rin bang dilaan?" inosenteng tanong ni Clara. Kaya naman ang apat ay sabay-sabay bumagsak ang balikat. Kungsabagay iba ang paglalandi sa usapang s*x kaya di rin masisi ng tatlo ang kaibigan kung inosente pa rin sa gustong iparating ng kanilang boss. "Kumain na nga tayo," sabi ni Anthony at pinaghimay niya pa ng tahong si Clara. "Diretso kain na, no need to copy what I did," dugtong niya pa baka gawin din kasi nito ang ginawa niya. "But-" "Just eat Clara," putol ni Anthony rito. Clara shrugged and do what he said. Habang sina Jayson at Sarah ay kinikilig sa nakikitang eksena sa harapan. At iisa lang ang nasa isip nila. To teach Clara more...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD