Chapter 20

1405 Words
CONFIRM! Clara is flirting with him. 'Yun ang nasa isip ni Anthony habang pabalik sa opisina. Katabi niya si Clara na tahimik lamang. Pinasabay na ni Anthony ang dalaga sa kanya tutal ay iisang palapag lang naman ang pupuntahan nila. Dalawa lang sila dahil nakasakay sila sa private elevator ng pinsan niyang maarte. "Clara," tawag niya rito. "Yes, sir?" mabilis na tugon ni Clara ng tawagin siya ni Sir Anthony. "How do you know if someone likes you?" wala sa sariling tanong ni Anthony. Napakunot noo naman si Clara. Hindi dahil sa tanong nito kungdi, siya pa talaga? Siya na walang karanasan. Nang-aasar yata boss niya, eh. "Sir, I think I should be the one asking you that question. You are more expert than me. Hindi pa ako nagkakaboyfriend since birth. Pero alam ko kapag may gusto sila sa akin, syempre, nililigawan nila ako," may pagmamalaki sa boses ni Clara. Napataas naman ang kilay ni Anthony. "How about us men? Paano namin malalaman na gusto n'yo kami?" ulit pa rin niya sa tanong. May gusto lang siyang malaman. Umakto si Clara na tila nag-iisip. 'Yung ginagawa niya ba ay pagpapakita na rito na gusto niya ito. Paano nga ba ng mga ito malalaman? "Hindi naman nanliligaw ang babae. So...How.Do. you.Women.Show.That.You.Like.Us?" Talagang pinagdiinan pa ni Anthony ang pagbigkas sa bawat salita. Save by the bell! sigaw ni Clara sa isip ng bumukas ang elevator. "We are here, sir." Nauna pa siyang lumabas rito at nagmamadaling nagtungo sa banyo ng hindi sinasagot ang tanong nito. Napailing na lang si Anthony. Mukhang mag-e-enjoy siya sa mga susunod na araw. Malawak ang pagkakangisi niyang nagtungo sa kanyang opisina. HANGGANG SA SUMAPIT ang oras ng uwian ay hindi na nag-usap ang dalawa dahil biglang nagka-emergency meeting si Anthony. Nagkasabay sina Clara, Jayson at Sarah palabas. Nagsimulang tuksuhin ng dalawa si Clara sa nangyaring eksena kanina sa canteen. "Ang haba ng hair mo, gurl!" tukso ni Jayson. Hindi pa talaga siya makamove on sa eksenang nasaksihan kanina. Gusto niya na nga mahimatay dahil kasabayan nila ang kanyang ultimate crush. "Anong meron dun? Kumain lang naman tayo? Two step pa lang nga nagagawa ko sa golden rules natin. Palagay n'yo umipekto?" nagdududang tanong ni Clara. Dalawa pa lang kasi 'yung unang golden rules ay palpak. Kailangan niya muna pag-aralan paano 'yun biting your lower lips na nakakaakit at hindi nakakatawa. "Hindi pa ba obvious na may epekto! Ayun nga at nakisalo sa atin kumain tapos talaga lantara kung landiin ka kaso.. Waka pake! Ano pa ba aasahan sayo?" Pinaikot pa ni Sarah ang mga mata. Napa-isip naman si Clara. "Sarah, i-send mo na sa kanya para naman maglevel-up na siya. She also needs that," turan ni Jayson. "Ok doki! Later." Hindi na pinansin ni Clara ang pinagsasabi ng dalawa dahil abala siya isipin kung saan makakabili ng malaking lollipop. Nang makarating ang tatlo sa may exit ay nanlaki ang mga mata ni Clara ng mahagip ang pamilyar na tao. "Good day, Clara," nakangiting bati ni Kwago esteh ni Joshua. Napangiwi naman si Clara at gumanti ng bati, "Good day, what are you doing here?" Naramdaman ni Clara ang pagsiko ni Jayson sa kanya kaya napatingin siya rito. Nakita niya pinandilatan siya nito. Mukhang tinatanong kung sino ang lalaki sa harapan nila. Hindi pa ba obvious? Hindi ba nila nakilala, ang laki ng mata. Sorry na po Papa God. "Ah, yes. Joshua meet my friends. This is Jayson and Sarah." Bumaling naman si Clara sa dalawa. "He is Joshua." Pinanlakihan niya ang dalawa ng mga mata. Trying to tell them to shut their mouth. Malapad naman ngumiti ang dalawa at nakipagkamay kay Joshua. Magandang lalaki naman si Joshua malaki lang ang mga mata. "I'm here because tita Samara asked me to pick you up." Nabalik ang tingin ni Clara kay Joshua na ang lapad ng ngiti. Why would her mom asked someone to pick her? Ano siya bata? "I don't know that you are prepared like this, Clara. Nagpaganda ka pa talaga para sa akin. You don't need, too. But you look more gorgeous with your blonde hair. You really know what I love." Napatanga naman ang tatlo sa kahanginan ng lalaki. Napakurap-kurap pa si Clara na para bang pinoproseso qng mga narinig. Tinapik siya ni Jayson na nagpabalik sa kanyang sarili. "Oh! Napakasweet naman pala ng manliligaw mo, Clara. Instant driver, diba." Bigla niyang siniko si Jayson, "ouch!" "Where are they?" tanong ni Clara na hindi talaga kumbinsido. Ganun na ba kaatat ang mommy niya para ipamigay siya. At ayaw niya rin i-entertain ang mga sinabi nito na pawang kasinungalingan lahat. "They said they were on a date. So... we could also have a date, isn't wonderful?" Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Joshua na tilang tuwang-tuwa sa nangyayari. "Wow! It was wonderful. Clara, diba, nagugutom ka na?" sabad ni Sarah. Gusto lang niya asarin ang kaibigan kung hanggang saan ito makakapagtimpi. Natawa siya ng makita kung paano nito kinuyom ang mga kamao. Habang kampante naman ang mukha. What a good pretender! "We have a date already. And I think she was too kind to slap it to your face and throw you away!" sabad ni Anthony at ipinulupot pa ang isang braso sa bewang ni Clara. Mabuti na lang pala at naroon siya at rinig na rinig niya ang kakapalan ng mukha ng mukhang kwago sa harapan nila. Huwag lang masabi-sabi ni Clara na ito nga talaga ang dahilan kaya nito pinakulay ang buhok dahil talagang babasagin niya ang mukha ng lalaking ito. Bakas naman ang pagkagulat sa mukha ng mga ito ng makita kung sino ang biglang sumulpot na kabute...na gwapo at malaki! Basta malaki! "And who are you?" tanong ni Joshua. Minsan na nga lang siya bigyan ng pagkakataon na masolo ang dalaga may sisingit pa na mukhang unggoy. Ay kahiya naman sa kwago! "I'm her date tonight, tomorrow and in the future. How about you? Who are you?" seryosong balik-tanong ni Anthony. "Her mother asked me to pick her up. That means, you be the one to back off!" laban ni Joshua. Mas sumeryoso naman ang mukha ni Anthony. He won't let any men touch Clara or date her! "No worries." Bumaling si Anthony kay Clara. "Hon, call your mom and tell her that we have a date and I will be the one to send you home," malambing niyang sambit rito. Bahagya niya pang pinisil ang bewang nito ng manatili itong nakatitig lamang sa kanya. "Ah, ok." Mabilis na kinuha ni Clara ang mobile sa kanyang bag at i-dinial ang numero ng mommy niya. "Mom, did you ask Joshua to pick me up? bungad na tanong niya pagkasagot ng mommy niya. Kumibot-kibot ang labi ni Clara habang nakikinig sa sinasabi ng mommy niya. Habang si Anthony at Joshua ay nagsusukatan ng tingin. At sina Jayson at Sarah ay umiral ang pagiging marites dahil imbes umuwi na ay talagang nanatili pang nanonood na parang may isang magandang palabas. "Okey mommy, bye!" after clara bidding goodbye to her mom, she face her boss. "Ok lang daw kay mommy." Bumaling siya kay Joshua. "Pinapasabi ni mommy na pasensya na raw, nakalimutan niya na nagpaalam ako sa kanya na may lakad ako. I'm sorry Josh and thank you for coming here," puno naman ng sinseridad na sabi niya sa binata. Ayaw niya naman magsinungaling pero ayaw niya rin makasama ito. Hindi naman siguro kasalanan magpakatotoo, diba? Walang nagawa si Joshua kungdi umalis na bagsak ang mga balikat dahil ang inaasahan na pagkakataon ay mukhang wala na. As in wala na! Mukhang may boyfriend na ang dalagang tinatangi mula pa noon. Pero hindi siya susuko, hindi pa naman kasal ang mga ito. "Hanep! Galing n'yo umarte, sir. Parang totoong-totoo," komento agad ni Jayson sa matigas na boses. Hindi kasi alam nito na isa siyang darna! Matsansingan nga. "Ah, sir, 'yung kamay n'yo po," nahihiyang sambit naman ni Clara. Kasi nakahawak pa rin ito sa kanyang baywang na nakakapanlambot ng kanyang mga tuhod. "What's wrong with it?" balik-tanong ni Anthony na ang bibig ay malapit sa tainga ni Clara. Clara felt something unfamiliar in her stomach. Like butterflies are dancing on it. At naalala niya na isa 'yun sa epekto kapag gusto mo ang isang lalaki. Are she already into him? Oo, gusto niya ito. Pero... bakit lahat ng senyales ay nagsasabing... "Let's continue our date. Ayokong may masabi ang parents mo," Anthony said while playing a smile on his lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD