Chapter 13

1013 Words
MABILIS NA LUMABAS si Anthony ng opisina niya upang puntahan si Clara. Hindi niya alam pero nakaramdam siya na parang kasalanan niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga pagkatapos ay marahas na pinakawalan bago pinihit ang pintuan ng pantry. Mas nadagdagan ang guilty na naramdaman niya nang makita si Clara na nakatayo habang hawak ang isang baso ng tubig at tila wala sa sarili. Dahan-dahan siyang humakbang palapit rito. Mukhang malalim talaga ang iniisip nito dahil hindi man lang napansin ang paglapit niya. Kinuha niya ang basong hawak nito upang kunin ang atensyon nito. Ayaw niyang magsalita baka magulat ito. Napakurap-kurap si Clara ng maramdaman ang pagkuha ng basong hawak mula sa kanyang mga kamay. Ilang beses pa siyang kumurap hanggang sa mapagtanto na si Sir Anthony ang nasa harapan niya. Napalunok siya ng ilang beses at napayuko ng maalala na naman ang nakita kanina sa loob ng opisina. "Clara," mahinang sambit ni Anthony. Nananantya na huwag dagdagan ang trauma nito kung nagkaroon man. Naguguluhan pa rin kasi siya at di makapaniwala na wala talagang ideya ang dalaga ganoong gawain. "Ahm, are you okey? Kevin told me that your trembling?" Kinolekta ni Clara ang sarili dahil baka magmukha siyang o.a sa harap nito. Kung tutuusin normal lang naman ang nakita niya. Sa panahon ngayon kahit babae ay nailalatag nga ang pang-upo. Hindi na naman siya ganon kainosente para hindi malaman kung ano ang ginawa ng dalawa. Sadyang nagulat lang siya. Nag-angat ng mukha si Clara at ibinigay ang napakatamis niyang ngiti na mabilis din napawi ng makita ang pag-aalala sa gwapong mukha ng boss. "Sir, I'm good. Huwag n'yo na lang po pansinin ang sinabi ni Sir Kevin." "You sure?" "Yes sir, pa-pasensya na po. Ku-kumatok naman p-" "It's okey. Ahmm, what exactly you saw?" Napangiwi pa si Anthony sa tanong niya. Talaga bang itatanong niya pa. Sarap sampalin ng bibig. Biglang nag-init ang mukha ni Clara ng muli na naman maalala ang napakaputing pang-upo ng boss. "Nevermind, Clara. Parang ayoko marinig." Huminga ng malalim si Anthony at bahagyang umatras. Pakiramdam niya kasi ay pangangapusan siya ng hininga. Kelan pa siya nahiya sa harap ng isang babae. "I'm.. I'm sorry about what you saw." Napakamot pa siya sa kanyang batok. "Just forget about it. Hindi ko na uulitin. Ay, mali pala, ila-lock ko na ang pintuan." Napatawa siya ng makitang nanlaki ang mga mata ni Clara. "Joke lang," bawi niya agad. Nakahinga naman ng maluwag si Clara ng sabihing nagbibiro lang ang boss na balak pang ulitin ang naganap kanina. "Ok lang po 'yun Sir. Tapos na po ba 'yung meeting n'yo? Nasa akin pa po kasi 'yung folder na kakailanganin n'yo ni Mam Rachel," pag-iiba ni Clara ng usapan. Para kasi bigla siyang nailang sa binibigay na titig ng boss niya. Mabilis na inagaw ni Clara ang basong hawak ng boss upang ubusin ang laman. Pakiramdam niya ang init-init sa kinaroroonan nila. "Can I ask you a question?" tanong ni Anthony na hindi inaalis ang tingin sa dalaga. Hindi siya makakatulog pag hindi naitanong ang gustong itanong. Humakbang si Clara paatras at tuluyan napalayo sa kanyang boss. Tinungo niya ang mini refrigerator na naroon sa loob upang may dahilan lang siya para makalayo sa kakaibang tingin ng boss na hindi niya matukoy pero naiilang siya. "Sure, sir. Basta kaya ko pong sagutin. Huwag lang po tungkol sa math, mahina utak ko dun," biro ni Clara. Natawa si Anthony sa sinabi ni Clara. "Don't worry it's nothing about math." Sumeryoso siya habang nakatingin kay Clara na bahagyang nakayuko at mukhang may kinukuha sa ref. Napalunok siya ng dumako ang tingin niya sa pang-upo ng dalaga. Bigla yata nabuhay ang braso ng bata sa loob ng pantalon niya kaya mabilis niyang iniwas ang tingin. F*ck you, buddy! Kakatapos lang kita pakainin. Patay-gutom ka talaga. Usal ni Anthony sa isip. "Sir, ano po itatanong n'yo?" kunot noong tanong ni Clara na ngayon ay nakatayo na. Nagtataka siya ng makitang nakatalikod na ang boss at tila kinakausap ang sarili. Napapitlag naman si Anthony nang marinig ang tanong ni Clara. Dahan-dahan siyang humarap muli sa dalaga. Hindi niya alam bakit tila may nagrarambulan sa kanyang dibdib. "Sir? Marami pa po tayong trabaho. Saka nandyan po sila Sir Kevin baka hinihintay na po nila kayo," sabi ni Clara para makalayo na sa boss niya dahil hindi na kumalma ang t***k ng puso niya. "I will go, but answer my question first. It is...ahm, your....first...time..t-" "Sir, make it clear, wala po ako maunawaan," pagputol ni Clara sa boss niya. Dahil para itong batang nagsisimula pa lang magbasa. Napangiwi naman si Anthony. Gusto sapakin ang sarili dahil para siyang tanga. "Fine. First time mo lang ba makakita ng nagse-s*x?" There he goes, Anthony already asked what he wanted to know. Napatulala si Clara dahil sa napakadiretsong tanong ng boss. Well, siya naman ang nagpumilit pero... "So? Answer me. Sabi mo nga marami pa tayong trabaho," untag ni Anthony ng mapansin napatulala ang dalaga sa tanong niya. "Aminin mo! Aminin mo! Ngayon lang ba?" Natawa ng malakas si Clara dahil sa huling mga salita ng boss at parang bakla na tila may niyuyugyog. "It's good to see you smile. Forget what you saw, Clara. You don't need to answer my question too. Balik na ako at baka ano na pinaggagawa ng mga baliw dun," nakangiting sambit ni Anthony. Wala naman siyang balak gayahin ang sumisikat na dialog na 'yun. Pero ewan niya bakit bigla na lang lumabas sa bibig niya. At makitang napatawa niya si Clara ay palalagpasin na muna niya ang bibig na paladesisyon. Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang palabas. "Yes sir. It's my first time. But no worries, I'm fine and I know will be better. Thank you for always being kind to me," pahabol ni Clara na nagpatigil kay Anthony sa paghakbang. Napangiti si Anthony at itinaas ang kanang kamay upang magwave na lang sa dalaga at pinagpatuloy ang paghakbang palabas. Nasundan na lang ni Clara nang tingin ang gwapo niyang boss sabay sa paghawak niya sa kanyang didbdib na unti-unti ng bumabalik sa dating pagtibok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD