Chapter 14

1024 Words
"WHAT?" ang sabay-sabay na tanong ng tatlong kaibigan ni Clara sa kanya pagkatapos niyang ikwento ang mga nangyari kanina. Tulad ng dati ay narito sila sa paborito nilang pwesto sa canteen para sa tanghalian. Sa may pinakadulo kung saan walang marites na makakarinig daw sa kanilang usapan. "Mas o.a pa ang reaksyon n'yo sa akin. Umayos nga kayo," sita ni Clara sa tatlo lalo na kina Jayson at Sarah na parang may timang na hindi mo alam kung naiihi o ano. "Hay naku gurl. Kailangan na natin maglevel up sa; Operation: Flirting 101. Hayan na, oh. Napapalapit na sayo si fafa yummylicious," malanding sambit ni Jayson. Sa narinig na kwento ni Clara ay mukhang may pag-asa na mapansin ito ng kanyang ultimate crush. "Masarap ba talaga ang s*x?" Hindi pinansin ni Clara ang sinabi ni Jayson bagkus ay nagtanong ng isang bagay na parang normal lang na itanong. Sunod-sunod naman napaubo si Raymond nang marinig ang tanong ni Clara. Mukhang maaga siyang haharap kay San Pedro dahil lagi na lang siya nasasamid sa tuwing kasabay si Clara sa pagkain. "Hayan! Napaghahalataan tayo, eh. Sige, kain pa more, Raymond!" pang-aasar ni Jayson. Habang si Sarah naman ay tinaasan lang ng kilay na sinulyapan si Raymond na nagkakadasamid pa rin. "A-ano na naman ginawa ko?" angal ni Raymond habang pilit na inaayos ang sarili. "Wala!" sabay na sagot ni Jayson at Sarah habang si Clara naman ay nakakunot noo pinalipat-lipat ang tingin sa tatlo. "At ikaw naman Clara, pwede maghinay-hinay ka naman sa pagtatanong. Masyado kang bulgar, shucks! Di ko kinaya," sita ni Jayson. "Makapagreklamo parang totoo. Tinuturuan n'yo nga ako tap-" "Hep-hep-" "Hurray!" chorus na sagot nina Clara, Raymond at Sarah sa sinabi ni Jayson with matching taas kamay pa. Nagtawanan tuloy sila sa kanilang kalokohan. "Para kayong sira," sambit ni Jayson na imbes na mainis ay natawa na lang din. "Mabalik tayo sayo nga Clara. Oo, nandun na kami sa gusto namin mabuksan 'yung mga mata mo sa makamundong gawain. Hindi dahil sa gusto ka namin lumandi o whatever. Para maging aware ka din. Baka mamaya minamanyak ka na pala, ayos lang sayo." Napatango-tango naman si Clara sa sinasabi ni Jayson. "Look, Clara. Umpisahan mo sa pagbabasa ng mga pocketbook tulad ng sinabi ng mommy mo. Then, next time I will send some stuff for you to be more aware of what this s*xual needs really mean today," pahayag naman ni Sarah. "What kind of stuff your talking about?" agad na tanong ni Raymond Kay Sarah. Hindi niya kasi gusto kung ano ang pumapasok sa isip niya. Nagkibit balikat lang si Sarah at hindi sinagot ang tanong ni Raymond na ikinasimangot ng huli. "And take note Clara, don't just open your legs anyhow. Hindi porket matanda ka na at ready ka na, bubukaka ka na lang basta. One of the best feeling is to surrender your virginity to someone you love," sabad ni Jayson para manahimik na ang dalawa. "Are you still a virgin?" inosenteng tanong ni Clara kay Jayson. Namula ang mukha ni Jayson sa tanong ni Clara. "Oo, nga naman Jayson. Don't tell me yo-" "Enough! Ofcourse I am. May dignidad naman ako, noh! Hindi ako basta-basta papatol sa kung sino-sino. Hindi pa naman ako ganun kahayok sa la-" "Oo na, nakuha na namin. Masyado kang halata, Jay. Si Clara ang topic natin diba? Bakit para nililihis niya?" nagdududang tanong ni Sarah sabay pukol ng tingin kay Clara na akala mo napakainosente talaga. "What? Kung makatingin kayo parang gusto n'yo akong balatan ng buhay, ah!" kunot noong tanong ni Clara sa tatlo. "Clara, what exactly do you want to learn?" diretso ng tanong ni Raymond. Hindi na kasi sila natapos sa isyu na ito. Napaisip si Clara. Ano nga ba talaga ang gusto niyang matutunan o malaman. Nakapagtransform na siya sa panlabas na anyo. How about her mind? Kaya na ba talagang ng isip niya? Bigla siyang napakurap ng maalala ang banta ng mommy niya. Alam niyang hindi nagbibiro ang mommy niya sa sinabi nito. At hindi rin siya nagbibiro ng sinabi niyang 'ayoko' kay kwago esteh Joshua. Yes, his a good man, educated, at nag-iisang tagapagmana rin ng business ng pamilya nito. Napabuntung-hininga si Clara na nakaagaw sa tatlo ng pansin. Isa ang nasa isip nila. Mukhang nahihirapan ang dalaga sa sitwasyon nito. "Gurl, hingi kaya tayo ng sign. Uhmm, you know. Like a sign if you will continue to get his attention," suhetsyon ni Jayson dahil concern siya sa kaibigan. Natuon ang atensyon ng tatlo kay Jayson. "What a great idea, may utak ka p-Aray!" daing ni Raymond ng sapukin siya ni Jayson. Nagbibiro lang naman siya, ah. Ang init ng ulo sumasabay sa init ng panahon. Natahimik ang apat na tila ba'y nag-iisip sa kung anong sign ang kanilang hihingin para ito na mismo ang magdesisyon para kay Clara na maging ito ay hindi matukoy ang nais. "Alam ko na!" malakas na sambit ni Jayson at parang tangang nagkikislapan ang mga mata. Napapailing na nangingiti na lamang ang ibang empleyadong nananaghalian rin sa mga oras na 'yun. Sanay na ang mga ito sa grupo nila Clara. "What is the sign?" puno ng kuryosidad na tanong ni Clara. Sumenyas si Jayson na yumuko sila na sinunod naman nila. Para silang naglalaro ng basketball na humingi ng time-out at ngayon ay tinuturuan ng coach sa kung ano ang dapat gawin. "Duda na ako dyan. For sure, imposible 'yun," agad na komento ni Sarah matapos sabihin ni Jayson ang sign na hihingin daw nila. Napataas naman ang kilay ni Jayson. "At bakit imposible? Nangako siya, remember. Mas maganda 'yun para talagang makita natin ang power-of- destiny," pinalandi niya pa ang boses sa huling mga salita. "Okey ako dyan," pagsang-ayon ni Clara. Maganda naman ang plano ni Jayson. Sa ngayon gusto niya muna ipaubaya ang lahat sa tadhana. Dahil maging siya ay litong-lito na sa mga pangyayari. "Good gurl! I'm so excited, I can't wait to see the result," sambit muli ni Jayson. Kahit na may kutob siya na tataob ang mesa sa parte nila pero may kaunting pag-asa siya at kapag nangyari 'yun siya mismo talaga gagawa ng paraan para sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD