DALAWANG ARAW NA ang lumipas mula ng pag-usapan nila Clara ang tungkol sa sign na hinihingi nila.
At ngayon ang pangatlong araw. Hindi malaman ni Clara kung bakit siya kinakabahan. Ang bilis ng pintig ng puso niya mula pa kaninang pagtapak niya sa opisina.
Ang huling araw para sa kanilang hinihinging sign. Ano ang magiging desisyon ng tadhana para sa kanya?
Sa nakalipas na dalawang araw ay inabala niya ang sarili sa pagbabasa. At sa loob lamang ng dalawang araw ay marami-rami na rin siya natutunan. Mga pakiramdam na bago sa kanya. Pakiramdam na unti-unti niyang nakikilala.
Nabalik sa sarili si Clara ng tumunog ang intercom na konektado sa opisina ng boss niya.
"Hello, sir," mabilis niyang sagot.
"Clara, another coffee, please," napakalambing ng boses ni Sir Anthony sa kabilang linya na mas lalong nagbibigay ng dahilan kay Clara upang panghawakan ang nararamdaman para sa kanyang pasamantalang boss.
"Sure, sir, just a minute." Pinutol na ni Clara ang tawag at walang inaksayang oras na kumilos upang ipagtimpla ng pangatlong tasa na ng kape ang boss niya.
Napapailing si Clara dahil hindi niya malaman kung naadik ba ang boss sa kape na gawa niya o may problema ito.
Nang matapos magtimpla si Clara ay nagtungo na siya sa opisina ng peke niyang boss esteh pasamantalang boss.
Nang marinig niya ang boses nito na nakakapanghina ng mga tuhod ni Clara ay napapikit na lang siya bago tuluyan pumasok.
As always, nakaharap ang pasamantalang boss niya sa laptop na tila napakabusy. Samantala wala naman iniwan na trabaho ang tunay niyang boss.
"Sir, your to be third cup of coffee," may pagkasarkastiko sa boses ni Clara.
Napaangat ang mukha ni Anthony ng marinig ang sarkasmo sa boses ng sekretarya. "Pardon?"
Napangiwi si Clara dahil mukhang napansin ng pasamantalang boss niya ang pagiging sarkastiko niya.
Kaya naman ibinigay niya ang napakatamis na ngiti at muling nagsalita, "Sir, your coffee is here."
Hindi napigilan ni Anthony na tumaas ang sulok ng labi dahil sa ginawa ng sekretarya. Takot naman pala.
"Thank you. Feel free to ask what you want to know," sambit ni Anthony dahil malakas ang pakiramdam niya na may gustong itanong ang sekretarya.
Ayaw na sana itanong ni Clara ang gumugulo sa isip niya pero kailangan bago pa siya masiraan ng ulo.
"I'm just wondering Sir, if what you are doing for the past two days. You looked really busy which I don't understand. Kasi wala naman po iniwan na trabaho si Mr.Villaflor."
Napatango si Anthony sa tanong ni Clara at isinandal ang likod sa kinauupuan. Hindi niya naiwasan na mapadaing ng tuluyan masandal ang likuran. Pakiramdam niya ay sobrang pagod niya. May inaasikaso kasi siyang presentation na kakailanganin niya sa susunod na linggo. At hindi niya pwede balewalain 'yun kaya laking pasalamat niya at wala ngang iniwan na sankaterbang trabaho ang pinsan.
"Actually, I'm doing a presentation. It's kinda difficult that I need to spend five to seven days just to make sure a best result," tugon ni Anthony kapagkuwan ay sinimulan hilutin ang leeg.
Nagtataka naman si Clara dahil sabi ng mga kaibigan niya ay wala naman sariling kumpanya si Sir Anthony. Nakaramdam siya ng awa ng makitang hinihilot nito ang leeg.
Nakita na lang ni Clara ang sarili sa likuran ng pasamantalang boss niya at maingat na hinawakan ang kamay nitong humihilot sa leeg.
Napaangat ng tingin si Anthony ng maramdaman ang paghawak sa kamay niya.
"Let me do it, sir. Magaling ako magmasahe. My dad always asked me everytime he went home from work," nakangiting sambit ni Clara.
Napalunok naman si Anthony at ibinaba ang kamay. Ayaw niya pa sana dahil kakaibang init ang nararamdaman niya kaso si Clara na mismo ang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay niya.
Napapikit si Anthony ng simulan ni Clara ang pagmamasahe sa kanyang balikat. Napakagaan sa pakiramdam. Halata ngang magaling ito magmasahe. Parang bigla na lang nawala ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Ganito po ba sir? O, baka gusto n'yo po ng mas hard pa?"
"F*ck!" mahinang napamura si Anthony sa tanong ni Clara. Bakit tila iba ang tumigas sa kanya!
"Ah! Yeah!" di napigilan umungol ni Anthony ng diniinan pa ni Clara ang baon ng mga kamay nito sa balikat niya. "Oh! F*cking good!" muli niyang daing ng humaplos sa kanyang leeg ang malambot nitong mga kamay.
"Stop cussing! Pwede naman umungol ng di nagmumura, ah! Syempre nasasarapan ka, kaya normal lang 'yun"
Napaawang na lang ang bibig ni Anthony sa sinabi ni Clara. Parang normal lang sabihin ang mga sinabi nito. Mas lalo tuloy nagalit ang alaga niya.
Napakunoot noo si Anthony ng maramdamang tumigil si Clara sa pagmamasahe sa kanya. Kaya naman tumingala siya, para lang makita ang nanlalaking mata ni Clara na nakatingin sa kanyang...
"F*ck!" malakas na mura ni Anthony at biglang tumayo. Bigla niya rin naitakip ang dalawang palad sa kanyang gitnang bahagi na bakat na bakat na. Para itong isang ahas na handang tumuklaw anumang oras.
"Sir, bakit nagagalit ang p*nis mo? Hindi naman ako nakahubad?" inosenteng tanong ni Clara. Nabasa niya kasi na ang p*********i raw ng mga lalaki ay nagagalit kapag nakakakita ng mga nakahubad na babae.
"Wh-what?" gulantang na tanong ni Anthony. Ano ba pinagsasabi ng babaeng ito. Paano nito nagagawang magsalita ng mga bagay na normal lang para rito habang sa kanya ay kakaibang init na ang dala.
Umirap si Clara dahil kung makaasta ang pasamantalang boss ay akala mo virgin. Samantalang dami na raw nito kinaen.
"Sir, 'wag ako! Feeling virgin ka po? Ako lang po virgin sa ating dalawa kaya ako lang may karapatang mag-inarte. Ano ng gagawin natin dyan sa p*nis mo? Sabi sa nabasa ko dapat raw nilalabas 'yan kasi masakit raw sa puson 'yun. Masakit na po ba puson n'yo? Paano natin palalabasin 'yan? Hindi ko po kasi alam."
Napatanga na lang si Anthony sa mga naririnig mula sa dalaga. Seryoso ba talaga ito sa mga pinagsasabi.
Mababaliw na yata siya pag nagpatuloy pa ito.
"Sir, ano pong gagawin ko para matulungan ka-"
"Clara, pwede ka nang lumabas. Huwag mong problemahin itong alaga ko. Mag-uusap kami pagkalabas mo kaya labas na," nagtitimping sambit ni Anthony dahil talagang ang tigas-tigas na ng alaga. At ang nasa harapan niya ay hindi pwedeng pagparausan.
Nagtataka naman si Clara na tinitigan ang boss na pawis na pawis na samantalang malakas naman ang aircon.
Akmang lalapitan ni Clara si Anthony ng itaas ni Anthony ang kanang kamay hudyat na pinapatigil siya.
"Out, Clara, please!" pagmamakaawa ni Anthony na pinipigilan masigawan ang dalaga. Hindi niya alam bakit ganito biglang lakas ng epekto ng babae sa kanya.
Wala ng nagawa si Clara kungdi ang lumabas at iwanan ang boss sa nakakaawang sitwasyon nito.
Nag-alok naman si Clara ng tulong kung ayaw nito, di 'wag!