Chapter 16

1547 Words
WALA SA SARILI SI Clara na nakaupo sa loob ng pantry habang hinahalo ang ice coffee na binili niya kanina pagkatapos nila magtanghalian. Hindi mawala sa isipan niya ang usapan nilang magkakaibigan. Mukhang wala na talagang pag-asa. Kailangan na niyang kalimutan ang umuusbong pagtingin para sa kayang 'pansamantalang boss'. Kitang-kita niya kanina ang paghihinayang sa mukha ni Jayson. Botong-boto kasi ang bakla na mabigyan raw si Clara ng pagkakataon na maranasan ang sarap sa piling ng binatang itinatangi ni Jayson. Pero ang kaunting pag-asang pinanghahawakan nila dahil umabot ng tatlong araw ay tuluyang nagiba. Dahil ilang oras mula ngayon ay may meeting ang pasamantala niyang boss kay Mam Rachel ulit. Ang babaeng nakita niyang sarap na sarap habang kinakain ng pasamantalang boss niya. Napabuga ng marahas na hangin si Clara. Wala na ba talagang pag-asa? Kung sisingit ako parang kinontrol ko rin ang tadhana. Usal ni Clara sa sarili. Hindi ikakaila ni Clara na talagang may special na nararamdaman siya para sa pasamantalang boss. Nabasa niya kung paano umibig ang mga bidang babae sa librong binabasa na sadyang binili pa ng mommy niya. Ang pagbilis ng t***k ng puso niya lalo na kapag malapit ang binata sa kanya. Ang pagsakop nito sa kanyang isipan mula paggising hanggang sa pagtulog; mukha nito ang nakikita. Ang tilang kuryenteng dumadaloy sa tuwing nagdidikit ang mga balat nila. Ang mga paro-paro sa kanyang tyan sa tuwing masisilayan ang napakagandang ngiti nito. Sapat na ang mga senyales na 'yun upang isipin ni Clara na hindi lang simpleng crush ang nararamdaman niya. Pero mukhang kailangan na din niyang bitawan ang anumang nararamdaman para sa binata dahil hindi ang isang katulad niya ang mapapansin nito. Muling bumuga ng hangin sa ere si Clara bago inubos ang ice coffee niya. Kailangan na niya bumalik sa trabaho. Tumayo na siya at itinapon sa basurahan ang wala ng laman na plastic cup. BUSY SI CLARA sa pagcheck sa mga e-mail sa kanyang monitor nang marinig ang pagtunog ng elevator hudyat na may tao. At sigurado siya kung sino ito. Dahil oras na sa nakaschedule na meeting ng pasamantalang boss kay Mam Rachel. Kinuha niya ang folder at mabilis na tumayo upang salubungin ang dumating. Ganun na lang ang pagkadismaya ni Clara ng lampasan siya ni Mam Rachel. Hindi man lang marunong bumati. Absent ba ito ng itinuro ang magandang asal sa paaralan. Walang sinayang na oras si Clara na sinundan si Mam Rachel. Mabilis niyang naiharang ang katawan ilang metro ang layo sa pintuan. Tumaas ang kilay nito na tumingin sa kanya. Taas noo namang sinalubong ni Clara ang tingin nito. "What is wrong with you?" malditang tanong ni Rachel. "I'm sorry Mam, but atleast let me inform Sir Anthony that you already here." Pilit na ngumiti si Clara. Mas lalong tumaas ang kilay ni Rachel dahil sa inasta ng secretary. Sino ba ito para pigilan siya? "Don't you know who I am? And Sir Anthony is expecting me, so, get out of my way!" asik ni Rachel kay Clara. Pero hindi nagpatinag si Clara. She knows her rights at isa na rito ang huwag basta-basta magpapasok sa opisina ng boss ng walang permiso nito. "Let me inform him first. I'm just doing my job ma'am. Wala naman po sigurong masama kung susunod po ta-" "Shut up nerd! Your just a secretary here, stop acting like your the boss. He expecting me so, get out of my way bago ko pa ihampas ang folder na hawak ko sa mukha mo!" Natigilan si Clara. Hindi niya inaasahan ang ganitong pag-uugali ng isang mataas sa marketing department. Nakakadissapoint! Bago pa man makasagot si Clara ay sabay silang napatingin ni Rachel sa taong nagsalita. "What's going on?" Nakasandal si Anthony sa may hamba ng pintuan. Kanina pa siya naroon at narinig ang usapan ng dalawang babae. Ang pagtatalo ng mga ito na hindi nga napansin ang presensya niya. "Do I need to repeat my question, Ms. Dizon?" Napayuko naman si Clara. Natatakot siya na baka magalit ito sa kanya dahil sa ginawa niya kay Mam Rachel. "Si-" Naputol ang sasabihin ni Clara ng sumabad si Rachel. "She was blocking my way. She don't know that we have a meeting, this kind of secretary is not good. I think you should advi-" "I think...You are the one needed it. I heard you two. My secretary just doing her job. Don't you know that I have an important visitor earlier. What if he still here and he would hear you two fighting. What a shame, right, Ms.Rachel?" nag-uuyam na sambit ni Anthony. Hindi niya nagustuhan ang ginawang pagtrato ni Rachel kay Clara. Disrespectful! Natigilan naman ang dalawang babae na tila umurong ang kanilang mga dila. Ang awra ng paligid ay tila bumigat dahil sa presensya ng binata. "Ms.Rachel, come inside," aya ni Anthony rito ng mapansin na wala ng may balak magsalita sa dalawa. Taas noo naman naglakad si Rachel at bahagya pang binunggo ang balikat ng secretary. Siya pa rin ang nagwagi at sisiguraduhin niya na mamamatay ito sa inggit. Bumagsak ang mga balikat ni Clara ng tuluyan ng nakapasok si Rachel sa loob ng opisina. It's over! bulong niya pa sa sarili na hindi nakaligtas sa pandinig ni Anthony. "What it is, Ms.Dizon?" "Ah, wala po sir. Heto po pala." Inabot ni Clara ang hawak na folder dahil ayaw niyang pumasok ulit roon mamaya at baka ano na naman ang makita niya. Tinignan lang ni Anthony ang inaabot ng dalaga. Bago muling itinuon ang tingin sa mukha nito. She is really beautiful on her own way. "Sir Anthony, time is running," rinig nilang sigaw mula sa loob. Pinalandi pa nito ang boses na tila nang-aakit. Doon nabalik sa sarili si Anthony. Tumalikod na siya kay Clara at nagsimulang humakbang papasok ng pigilan siya ni Clara. "Sir, 'yung folder po," pahabol ni Clara. Napatigil naman si Anthony sa paghakbang at lumingon rito. "Bring it by yourself inside," maawtoridad niyang sambit na hindi agad nakuha ni Clara kaya ilang sandali pa siyang nanatiling nakatayo hanggang sa makabawi siya. Ang malapad na likod na lang ng pasamantalang boss ang nakita niya. Dali-dali siyang humakbang pasunod rito ng may ngiti sa mga labi. "Aray!" malakas na daing ni Clara ng tumama ang noo niya sa isang matigas na bagay. Pag-angat niya ay nakita niya ang malapad na likod ni Sir Anthony. Tumigil pala ito sa paghakbang at dahil nakayuko siya ay nabunggo nga siya sa malapad nitong likuran na malabakal. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng pasamantalang boss niya. Kaya naman nasundan na lang niya ang tinitignan nito. Biglang napaayos ng upo si Rachel sa lamesa ng biglang lumitaw mula sa likuran ng boss nila ang epal na secretary nito. "What are you doing here?" mahinahong tanong ni Rachel kay Clara dahil ayaw niyang may masabi na naman ang boss kung papatulan niya ang secretary nito. "Ba-bakit dyan kayo nakaupo? At nakabukaka pa?" Napakurap-kurap pang tanong ni Clara na hindi naging handa sa nasaksihan. Tumayo si Rachel at hindi maipinta ang mukha na nagtungo sa visitors chairs na itinuro ng boss, hudyat na pinapaayos siya nito. Habang si Anthony naman ay tuluyan nang humakbang patungo sa kanyang swivel chair. Umupo siya at isinandal ang likod habang ang dalawang kamay ay humawak sa magkabilang armrest. "Ms.Dizon, you may seat here and start to listen to Ms.Malandi-" "Sir, it's Malantid!" pagtatama ni Rachel sa boss. Alam niyang malandi siya pero kailangan pati surname ay talagang halos magkalapit. Masama niyang pinukulan ng tingin ang secretary nito ng marinig niyang tumawa ito. Nagkibit-balikat lang si Anthony na wala naman pakialam. Habang si Clara ay nanatiling nakatayo at pinipigilang ilabas ang tawa dahil sa lantarang sinabi ng pasamantalang boss. "And why she here?" tanong ni Rachel. "She will be the one to take down notes, to listen and probably explain to his boss," walang ganang sagot ni Anthony. "And why?" Umayos ng upo si Anthony dahil malapit na siya mawalan ng pasensya sa babae. Hindi naman urgent ang gustong ipaliwanag nito. Pwede pa nga na si Andrew na lang ang humarap dito. Well, hindi naman niya masisisi ito dahil sigurado siya na gusto pa maulit nito ang mainit na tagpo sa kanilang dalawa. Pero wala siyang balak gawin 'yun, hindi dahil sa hindi magaling ito kungdi dahil sa secretarya ng pinsan. Marunong naman siyang magbehave. Anong tingin n'yo sa kanya? Manyakis? "Look, hindi naman urgent 'yan. Pwede nga na diretso mo na kay Andrew ipaliwanag 'yan. Ano alam ko dyan? Kaya kung nagmamadali ka, then explain to her," paliwanag ni Anthony sabay turo kay Clara na nanatiling nakatayo pa rin. Sobra naman inis ang nararamdaman ni Rachel dahil akala niya ay masosolo niya muli ang binata. Magaling naman siya? Bakit ayaw na nito? Sa inis ay pabalag siyang tumayo. "Let me discuss it to Mr.Villaflor like what you want, sir," may diin sa mga salitang bigkas niya at walang lingon-likod na lumabas ng opisina. Pigil naman ni Clara ang mapahiyaw sa tuwa. Mukhang ang tadhana ay talaga umaayon sa kanya. Kaya malapad ang pagkakangiti niyang humarap sa pasamantalang boss na ipinagtaka naman ni Anthony. "Anong meron?" nagtatakang tanong ni Anthony ng makita ang lapad ng pagkakangiti ng secretarya. "Ready yourself, sir, because I'm gonna eat you alive, aw!" Mabilis na tumalikod si Clara at pakembot-kembot pang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD