NAKATAYO SI Clara sa harapan ng table ng kanyang boss na si Mr.Villaflor. Alam niyang sermon na naman ang aabutin. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos. Walang araw na nanahimik ang mundo niya. Meron pala kapag walang pasok.
"Could you explain to me what happened?" pukaw nito sa kanya.
"Mr.Villaflor, you are the one who canceled your appointment to Mr. Valdez," magalang niyang sagot.
Napahawak sa sentido ang boss niya na tila problemado. Kahit siya ay nagulat ng tinawagan siya ng secretary ni Mr. Valdez at tinatanong kung kelan ang next schedule.
"Kelan ko po i-schedule ulit ang appointment n'yo kay Mr.Valdez?" muli niyang tanong.
Bago pa man makasagot ang boss niya ay bumukas ang pintuan at nagsipasok ang mga........Greek God?
Oh my gosh! Nasa langit na ba ako? Usal niya sa isip. Kahit ilang beses na niyang nasilayan ang mga bagong dating ay talagang hindi pa rin siya masanay-sanay sa taglay na kagwapuhan ng mga ito.
"Goodmorning!" malakas na pagbati mula sa bagong dating.
Nang dumako ang tingin niya sa bagong dating ay napasinghap siya at natulala.
He is real.
Bakit mas gwapo siya sa personal. Hindi man lang na-justify ng picture ang tunay na taglay niyang kagwapuhan. Muli niyang usal sa isip.
"Miss, laway mo tumutulo," pukaw sa kanya nito. Mabilis niyang hinawakan ang bibig pero wala naman. Hanggang sa narealized niya na binibiro siya nito.
Nag-angat ng tingin si Clara at nagsalubong ang kanilang mga mata. What a beautiful pair of eyes. Nang tumawa ito ng malakas ay bigla siyang napayuko. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang pisngi.
"Mr.Villaflor, lalabas na po ako." Hindi na niya nahintay ang sagot ng boss bahala na mapagalitan basta kailangan niya makalayo.
Pagkalabas niya ng opisina ng boss ay akala niya makakahinga na siya ng maayos pero nagulat siya ng may humablot sa braso niya kaya napalingon siya rito.
Malamlam na mga mata ang sumalubong sa kanya. Mabilis niyang binawi ang tingin mula rito at dumako sa braso niyang hawak-hawak nito.
Mabilis naman nitong binitiwan ang kanyang braso na tila napaso.
"Miss, ahmm, I didn't mean to offend you. I'm sorry," hingin-paumanhin nito. Naramdaman naman ni Clara ang sinseridad sa boses nito.
Nag-angat siya ng tingin upang makita ang gwapo nitong mukha.
Nang ngumiti ito ng malapad ay napahawak siya sa kanyang bewang, literal sa garter ng panty niya. Mukhang napansin nito 'yun dahil napadako ang tingin nito sa kanyang kamay na mahigpit na nakahawak.
"May problema ba?" Bakas ang pag-aalala sa boses nito.
"Wa-wala po sir. Ba-baka po kasi malaglag ang panty ko," inosente niyang sagot.
Nakita niyang napaawang ang bibig nito pagkatapos ay nauwi sa halakhak.
"Sorry, sorry. Bakit naman mahuhulog ang pa-panty mo? Wala bang garter?"
"Me-meron po sir. Sabi kasi ng mga kaibigan ko, makalaglag panty raw po kasi ang ngiti n'yo," pahayag niya.
Lumawak naman ang pagkakangiti nito na may kasamang pilyong ngiti sa mga labi.
"Did they say that?" paninigurado pa nitong tanong.
Tango na lang ang naisagot niya dahil pakiramdam niya talaga ay mawawalan siya ng ulirat sa napakabaritono nitong boses at ang nakakapanghinang tuhod na mga ngiti.
"Anthony, go back here! Tigilan mo ang secretarya ko!" Narinig nilang sigaw ng boss niya.
Natawa naman si Sir Anthony. "Asshole!" Nanlaki ang mga mata niya sa sinigaw nito.
"Ma-masama ang magmura," sita niya rito.
"Oh, sorry. You know, your so cute. But you look so innocent too. By the way, I'm Anthony Dale Villaflor and you?" Inilahad nito ang kamay na hindi niya sigurado kung tatanggapin ba.
"I-I am Maria Clara Dizon," tugon niya at nag-aatubiling abutin ang kamay nito hanggang sa ito na ang kumuha sa isa niyang kamay na nakahawak sa gilid ng skirt niya.
"Don't worry, mukha naman mahigpit ang garter ng panty mo," sabi nito pagkatapos makipagkamay. "Balik na ako sa loob, nice meeting you Clara even your name looks innocent." Bago pa ito tumalikod ay kinindatan pa siya nito.
Napahawak siya sa kanyang dibdib na biglang ang bilis ng pagtibok. Wala sa sariling bumalik siya sa kanyang working table at napatulala.
He was really too handsome. Kung i-ra-rate niya ito ay nasa pinakataas ang kagwapuhan nito. Kaya hindi niya masisisi si Jayson kung bakit kumekerengkeng ito. Dahil maging siya ay tila gusto na ring bumukaka.
Bigla niyang sinaway ang sarili sa kalaswaang pumapasok sa isip niya. Nahahawa na talaga siya sa mga kaibigan na araw-araw 'ata ay may bagong ipinapasok sa utak niya.
NAPATAKIP Si Clara ng tainga sa lakas ng boses ni Jayson. Kasalukuyan sila nasa canteen dahil lunch time.
"Ang boses mo, Jayson!" sita niya rito.
"Sino ba hindi mapapasigaw sa sinabi mo! My gosh, Clara! Sinabi mo talaga 'yun kay Sir Anthony?" Di makapaniwalang tanong nito.
Naikwento niya kasi ang nangyari kanina lang.
"Ano gusto mong sabihin ko?"
"Sana man lang nagsinungaling ka o kaya nag-imbeto ng ibang sagot. As in literal mong sinabi 'yun at binanggit mo pang nanggaling sa amin. Oh my gosh! Ang beauty ko!" malanding sabi ni Jayson.
"Masama magsinungaling!" mariing tugon ni Clara.
"Fine! Fine! Pero, ah! Ewan!"
Natatawa naman sina Raymond at Sarah sa nakikitang hitsura ni Jayson na tila problemado.
"Ano ba mali sa sinabi ko?" inosente pang tanong ni Clara.
"Kahit sabihin pa namin, wala din mangyayari. Kelan ba namin madudumihan ang utak mo. Gustong-gusto ko ng kulayan ng berde!" sagot ni Jayson.
"Siguro kapag may nagpatibok na sa puso niya at sa perlas niya. Siya na mismo mag-aaral," nakangising saad ni Sarah.
"Wala naman akong perlas," sabi niya na ikinalukot ng mukha ng dalawa.
"Tatanda 'ata ako ng maaga sayo, gurl! Ang ibig niyang sabihin sa perlas ay 'yang p*ke mo!" Ininguso ni Jayson ang bibig paturo sa ibabang parte ng katawan niya.
"Ang bastos mo!" Sabi ni Clara at namula ang kanyang mukha.
Bulgaran kasi kung magsalita talaga ang bakla. Kahit naman gusto niya matuto para naman makasabay siya sa agos ng buhay ay talagang hindi masanay-sanay ang tainga niya.
Tumawa lang ang tatlo na ikinairap niya.
"Pero gurl, aminin mo, ang gwapo diba?" Nakangising saad ni Jayson na namumungay pa ang mga mata.
Well, gwapo naman talaga, sobra.
"Sa kislap ng mga mata mo Clara mukhang type mo si sir Anthony 'no?" pang-aasar ni Raymond na ikinapula 'ata ng mga pisngi niya.
"She's blushing, uh-oh! Mukhang tinamaan na ni kupido," segunda rin ni Sarah.
Mas lalo 'ata nag-init ang buong mukha niya at napayuko na lang siya.
"Oh, my my innocent Clara. Kung type mo si sir Anthony. Sorry to say pero wala kang chance!" diretsong sabi ni Jayson kaya napaangat siya ng mukha at masama itong tinignan.
"Kailangan talaga diretsuhin ako?" nakanguso niyang sabi.
"Ofcourse! That's what friends are for!" nagmamalaki pang turan ni Jayson.
"Ba-bakit wala naman akong pag-asa?" tanong niya na ikinalingon ng tatlo sa kanya.
May mali ba siyang sinabi?
"Oh my G! So, type mo si sir Anthony?" tili ni Jayson.
"Ang bibig mo! Pwede pakihinaan nakakahiya ka!" sita niya kay Jayson.
"Sorry naman. Pero mabalik tayo, so, type mo nga?"
Huminga siya ng malalim. "I don't know. Pero napopogian ako sa kanya. I never been attracted to other men until I met him. I mean humahanga naman ako sa mga gwapong lalaki pero iba ang dating niya." Honest niyang sagot.
Natahimik ang mga ito.
Hanggang sa magsalita si Jayson. "Alam mo gurl, maganda naman ang maging honest. Isa 'yan sa magandang katangian pero nakakatakot rin. Lalo na kung lahat ng nararamdaman mo ay ilalabas mo."
Tinignan niya ito. "Pero masama naman magsinungaling diba?"
"Oo, pero hindi naman porket hindi mo sasabihin ay nagsisinungaling ka na. Ahmm, kungbaga, itatago mo lang muna. Sa amin ok lang na sabihin mo kasi we are your friends pero huwag mong sasabihin sa kanya." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Jayson.
"Ba-bakit?" curios niyang tanong.
Napabuga ng hangin si Jayson. "Kasi gurl concern kami sayo. Si sir Anthony kasi ay kilalang babaero. Walang pinapalampas lalo na sa mga nagbibigay ng motibo sa kanya."
"Bakit ikaw?" tanong niya rito. Nakita niyang napangiwi si Jayson habang natawa naman sina Raymond at Sarah.
"Gurl naman, seryoso ako kaya umayos ka! Sarap mong kutusan," nanggigil na sabi nito.
Napalabi naman si Clara dahil hindi niya maunawaan bakit hindi pwedeng sabihin na napopogian siya kay Sir Anthony.
"Kahit naman sabihin ni Clara ang nararamdaman niya. Mukhang hindi naman siya pagsasamantalahan ni Sir Anthony dahil mas type niya ang mga wild women kesa sa inosente," turan ni Raymond.
Napakunoot noo siya sa sinabi nito.
"Kungsabagay may point ka, Raymond. Pero kahit na, ayoko mapahamak ang friend natin. Kaya kailangan natin siya turuan kung paano lumandi esteh maging aware sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa makamundong gawain." Hindi na makarelate si Clara kaya pinagpatuloy na lang niya ang pagkain.