Chapter 1

1385 Words
Authors Note: Names, place, characters and incidents are just product of my imagination. Any resemblance to the event in the story is just a coincidence. Pwera na lang sa mga nagpahiram ng pangalan, eje. God bless all. Welcome Aboard! "ARAY!" daing ni Clara ng may pumitik sa kanyang noo. Masama niyang tinignan kung sino ito. "Ano lalaban ka? Kanina pa kami narito mukha kang wala sa sarili mo! Napagalitan ka na naman 'no," sabi ni Jayson na siyang pumitik sa noo niya. Doon niya lang napansin na naroon na pala ang mga kaibigan sa kanilang paboritong pwesto sa canteen. Lunch time na kasi at nauna siya sa mga ito. "Ano na naman nangyari?" tanong ni Sarah na abala na sa paghihimay ng hipon. Ang hilig sa hipon ng babaing ito. Nalukot muli ang mukha niya ng maalala na naman ang nangyari kanina. "Hindi ko alam kung anong problema ng boss natin. Parang laging nakaregla," sumbong niya. "Hindi ka na nasanay magtatlong-buwan ka na rito. Ikaw nga ang pinakamatagal na secretary ni boss," komento ni Raymond na tinutulungan maghimay si Sarah. Napapansin niyang may something sa dalawa pero ayaw naman niya magtanong. Magsasabi din naman kapag ready na siguro ang mga ito. "Kumain na lang tayo, gurl! Nakakasira ng beauty ang stress, look at yourself, baka pumanget ka," maarteng turan naman ni Jayson. Inirapan niya lang ito at nagsimula na silang kumain. "Darating na pala si Sir Anthony, grabe mabubuhay na naman ang aking dugo," sabi ni Jayson na pumilantik pa ang mga daliri. Ang landi talaga, dinaig pa ako! usal niya sa sarili. "Sino naman Sir Anthony na 'yan, bagong empleyado?" usisa niya. "Nope," sabay pang sagot ng tatlo. "Sir Anthony is our Ceo cousin. Kilala mo na si Sir Kevin, diba? Kapatid niya si Sir Anthony," imporma ni Jayson at nagpikit-pikit pa na parang nangangarap ng gising. "Ah, ok. Is he working here?" muli niyang tanong. "Not really," sagot ni Sarah na ikinatingin niya rito. "What do you mean?" "It's like he is NPC," si Jayson ang sumagot. "N-P-C?" ulit niya sa patanong na tono. "Stand for No Permanent Company." Sabay tawa ni Jayson na sinabayan din ni Sarah. "May ganun ba?" curious niya pang tanong. "Hay naku girl, saan bundok ka ba talaga nanggaling, huh? Siguro meron kaya nga NPC si Sir Anthony, eh," buskal ni Jayson sa kanya. "Jayson, tigilan mo si Clara Inosente 'yan tulad ko," sabad ni Sarah na ikinangiwi ni Jayson. "Innocent your ass! Hindi ka pa ba pinasok ni Raymond?" Nagkadaubo-ubo naman si Raymond siguro sa sinabi ni Jayson na hindi niya naman alam kung ano. "F*ck! Jayson, ang bibig mo!" mura ni Raymond ng makabawi ito. Isang nakakamatay na irap lang ang sinukli ni Jayson kay Raymond. Naiiling na lang siyang pinagpatuloy ang pagkain, maging ang mga ito. "Do you want to see Sir Anthony picture," kapagkuwan sabi ni Jayson na kinikilig pa. Ano bang meron sa Sir Anthony na 'yun at hindi mapakali ang baklang ito? "Ano ba pinagkaiba niyang Sir Anthony na 'yan? May sungay ba 'yan o pangil?" usisa niya na lang. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jayson na para bang nakapagbitaw siya ng isang masamang salita. "Baka kapag nakita mo siya, kusa kang bumukaka sa kanya." Nanlaki ang mga mata niya sa sinagot ni Jayson. "Hoy, Jayson, ang bibig mo! Alam mo ng may pagkamaria Clara ang kasama natin," saway ni Sarah Kay Jayson. Hindi pinansin ni Jayson si Sarah bagkus ay kinuha nito ang mobile pagkatapos ay pinalipat nito si Raymond sa tabi ni Sarah. Sila na ngayon ang magkatabi ni Jayson. Mabuti na lang at tapos na silang magsikain. "Look for yourself, kung di kusang bumaba ang panty mo," malandi nitong sambit. Pinaikot niya lang ang mga mata bago kinuha ang mobile na inaabot nito. Napalunok siya ng sunod-sunod at mabilis na ibinalik ang mobile kay Jayson. Mabilis niyang kinuha ang baso at uminom ng tubig. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mukha. Napansin niya rin ang nagtatakang tingin ng tatlo. "Ano problema?" tanong ni Raymond. "Jayson, i-check mo kaya 'yang mobile mo! My gosh! My innocent eyes." Ginamit niya ang kamay at ginawang pamaypay sa mukha niya. Impit namang tumili si Jayson at tawang-tawa ang loko. "Ano ba pinakita mo sa kanya Jayson?" curious na tanong ni Sarah. Itinapat naman ni Jayson ang cellphone kay Sarah. Nakita niyang nanlaki rin ang mga mata ni Sarah pero maya-maya ay tinakpan ito ni Raymond. "What the f*ck, Jayson!" mura ni Raymond. Malakas namang tumawa si Jayson na umagaw ng atensyon ng mga katabi nilang table. "So-sorry na, alam ko picture ni fafa Anthony ito paano napunta rito," natatawa pa ring turan ni Jayson. Napailing na lang sila sa kalokohan ng baklang ito. "Hindi pa ba kayo nakakakita ng buhay na saging na may mga ugat at damo sa gilid," sabi pa nito at tumawa na naman. "Bastos mo talaga! Nasaan na ba 'yang Sir Anthony na 'yan at ng matapos na tayo!" sita niya rito, hindi na kasi tumigil sa kakatawa. Bago niya muling abutin ang mobile nito ay sinamaan niya muna ito ng tingin at tinanong kung sigurado na ito. Nang tumango ito ay maingat niyang kinuha ang mobile rito para hindi mapindot at malipat na naman kung saan-saan. Halos mahigit niya ang hininga ng masilayan ang sinasabi ng mga itong Sir Anthony. Totoo nga ang sinasabi ni Jayson, Sir Anthony handsomeness is oozing. Iba ang datingan nito kumpara sa boss niya at kuya nito. He has that effect that you will want to look at him not once, not twice but as long you have a chance. Tapik sa braso niya ang nagpabalik sa kanyang isipan na nagsimula ng maglakbay. "Ano? Tama ako diba? Hindi lang makalaglag panty idamay mo pa ang matris," kinikilig pang sambit nito. Muli niya lang pinagmasdan ang maamong mukha ni Sir Anthony. Mga pilik mata na medyo may kakapalan. Pointed nose na halatang may lahing banyaga. Mga matang puno ng sigla at maging ang mga ito ay nakangiti. At ang mapula nitong labi na parang kay sarap halikan. Wala sa sariling napahawak siya sa screen ng mobile ni Jayson. Sabay-sabay na tikhim ang umagaw sa kanyang atensyon. Kaya naman nag-angat siya ng tingin at tinignan isa-isa ang mga kasama. Tumigil ang mga mata niya kay Jayson na napakalawak ng ngiti, kita pati gilagid ng bakla. "I told 'yah! Makalaglag panty, diba? Nalaglag na ba panty mo, patingin nga.." Akmang yuyuko ito ng hilahin niya ang buhok nito. "Aray!" "Bastos! Kahit bakla ka, bawal ka manilip," sabi niya at pinakawalan ang buhok nito pagkatapos ay ibinalik ang mobile nito. "Sayo na 'yan!" "Akin naman talaga ito! Mashaket ah, saka pwede ba huwag mo naman ipanlandakan na bakla ako...secret pa nga natin 'yun. Maloloka ako sayo!" inis na turan nito habang inaayos ang nagulong buhok. "Mas gwapo diba?" singit ni Sarah. Napatingin siya rito at nakangisi rin ang babaita! Hindi naman niya ipagkakaila na gwapo nga ang Sir Anthony na 'yun. Siya na mahilig sa gwapo at talagang standout ito. "Gusto mo na ba magpakaen?" "Ano?" kunot noo niyang tanong kay Jayson dahil hindi niya naunawaan ang sinabi nito. "Kanino ako magpapakaen?" inosente niyang tanong na ikinatawa ng tatlo. "Ayoko na sa earth, tara sa mars tayo. My gosh, Clara!" buska sa kanya ni Jayson. Ano ba alam niya? Kung about sa kalaswaan, wala talaga siyang alam! "Ano masasabi mo kay Sir Anthony?" tanong muli ni Sarah sa kanya. Hindi naman siya sinungaling kaya sinagot niya, "His handsome, no doubt about it. Actually more handsome to his cousin and the others," honest niyang sagot na ikinatili nina Sarah at Jayson habang si Raymond ay naiiling. "At jumbo hotdog ang alaga," dugtong pa ni Jayson na para ng bulating binudburan ng asin sa sobrang kilig. "Inaalagaan ba ang hotdog?" puno ng kuryosidad na tanong niya. Narinig na lang niya ang pagdadabog ni Jayson. "Bumalik na nga tayo sa opisina, baka matuluyan ako rito!" sabi nito na binigyan pa siya ng masamang tingin. Tawa naman ng tawa si Sarah at Raymond. "Ano na naman ginawa ko?" Lumapit si Sarah sa kanya at may ibinulong, "Ang sinasabi niyang jumbo hotdog ay ang nasa gitnang hita ng mga lalaki na tumitigas kapag nagagalit." Nakaalis na sa tabi niya si Sarah ng marealized niya ang sinabi nito kaya napasigaw siya, "Jayson!!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD