Chapter 9

1157 Words
HINDI MAPALAGAY si Clara na palakad-lakad sa harap ng kanyang mesa. Ngayon kasi ang simula ni Sir Anthony bilang kanyang temporary na boss. Kahapon ay kinausap siya ni Mr. Villaflor; the real boss, na kailangan nito umalis nang isang buwan at ang pinsan nito na si Sir Anthony ang papalit pasamantala rito. Wala naman siyang magagawa kungdi umu-oo. Sino ba siya? Pabor pa nga sa kanila 'yun dahil kahapon pa nila magkakaibigan pinoproblema kung paano maisasagawa ang maitim na balak esteh ang nais niyang mapansin ni Sir Anthony. Mukhang umaayon sa kanila ang pagkakataon. Hindi naman siya desperada pero kung pinagtutulakan na rin siya ng mommy niya, why not, coconut! Dito na siya sa jumbo hotdog. Nabalik si Clara sa sarili ng tumunog ang private elevator hudyat na may paparating. At isang tao lang ang inaasahan niya sa oras na 'yun. Dahil sa pagkataranta ay tumama ang tuhod niya sa lamesa na ikinadaing niya. "Are you okey?" Napalunok si Clara ng marinig ang buong-buong boses ng lalaking dina tinantanan ang isip niya. Bigla siyang umayos ng tayo pero napangiwi dahil sa naramdamang hapdi. Pinilit niyang ayusin ang sarili at humarap sa napakagwapong nilalang sa balat ng saging. Hindi na lupa ok. Paki-update. Mahinhin siyang ngumiti. "Goodmorning Sir Anthony," bati niya rito. Pero nanlaki ang mga mata niya ng walang pasintabing lumuhod sa kanyang harapan ang binata. "Does it hurt? Wala namang pasa o dugo, but I think masama ang pagkakatama. Ano ba kasi nangyari?" tanong ni Anthony habang sinisipat ang tuhod ni Clara. Napalunok siya ng bahagyang masilip ang itaas ng binti nito. Kailangan niya kasi itaas ng konti ang skirt nito dahil nga hanggang tuhod ito. Aaminin niya na napakakinis ng balat ng dalaga. Para tuloy gusto niyang pumasok sa loob ng skirt nito at masilayan pa ang mas... "F*ck!" mahina niyang mura at dali-daling tumayo. Hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng pisngi ni Clara. Mukhang naapektuhan ito sa kanyang ginawa. Napangisi tuloy siya. "Next time, huwag kung ano-ano iniisip mo para hindi ka mapahamak. Mukhang ok ka na naman. Kaya mo ba maglakad?" mahinahon niyang tanong rito. "Ye-yes Sir. Sa-salamat. Coffee?" mahinang sambit ni Clara dahil parang ang init-init ng kanyang pakiramdam. "Sure, with creamer and little sugar, thanks," tugon ni Anthony at iniwanan na ang secretary. Nasundan na lang ng tingin ni Clara ang papalayong boss kasabay ng paghawak sa kanyang dibdib kung nasaan ang puso niya. Pakiramdam niya ay gustong kumawala sa lakas ng t***k nito. MATAPOS MATIMPLA NI Clara ang kapeng gusto ng boss ay inihatid na niya ito sa opisina. Kumatok siya ng tatlong beses bago marinig ang boses nito na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Huminga siya ng malalim bago pinihit ang doorknob at pumasok. Nakita niyang busy si Sir Anthony na nakatutok sa mobile nito. Maingat niyang inilapag ang kape sa lamesa nito. Nag-angat ito ng mukha at dumiretso sa kanya kaya nagtama ang kanilang mga tingin. Mabilis naman binawi ni Clara ang tingin ng muling maramdaman ang naghuhurementado niyang puso. "Taste good. Buti may creamer kayo. Andrew like black coffee," saad ni Anthony pagkatapos sumimsim sa kape. At upang mawala ang tila mabigat na hangin sa pagitan nila ng secretary. "For visitors, Sir," tipid na sagot ni Clara. Tumango-tango naman si Anthony. "What my schedule today?" Doon lang nag-angat ng tingin si Clara at binuksan ang notebook na sadyang dinala niya para kung sakaling magtanong nga ito. "Sir, by 10am you have meeting with Mr. Miller for the final review of the contract. Then, you are free after that, Mr. Villaflor already took care of others things already. 'Yung kay Mr.Miller lang po dahil hindi sila available sa mga nakaraang araw na gustong silang i-meet ni Mr. Villaflor," mahabang pahayag ni Clara. Nakita niyang napatango si Sir Anthony. Hindi niya tuloy maisip kung naiintindihan ba nito ang sinabi niya. "Okey. Mabuti naman at hindi ako iniwanan ng sangkatutak na trabaho ng boss mo," nasisiyahang sambit ni Anthony. Dati-rati kasi kapag pinapalitan niya ito ay tambak ang trabahong naghihintay sa kanya. Ibabalik na niya sana ang tingin sa mobile dahil may kalandian siya ng mapansin niyang nakatayo pa rin ang secretary sa gilid niya. Kaya naman itinuon niya ang ulo rito. "Anything else, Ms. Dizon?" pormal niyang tanong. "Wala na po sir. Pero, pwede po ba magtanong?" lakas-loob na tanong ni Clara. May gusto lang kasi siyang malaman. Nag-isang linya ang kilay ni Anthony bago sumagot, " Sure." Pansin niya ang pagiging mahinhin ni Clara. Ganito ba talaga kapag mga Virgin? Naipilig na lang niya ang ulo sa kung anong pumapasok sa isipan. Clare looked Anthony straight into the eyes. Maybe she is innocent when it comes to s*x but she knows her rights and brave enough to protect herself. Medyo mababaw lang ang luha niya kaya lagi na lang siya napapaiyak ng boss niyang pinaglihi sa sama ng loob. "Why did you kiss me yesterday?" diretsong tanong ni Clara na nagpaawang sa bibig ni Anthony. Anthony didn't expect her to asked that scene yesterday. Ilang minuto pa siya natigilan bago pinilit na alisin ang bara sa lalamunan kahit mukhang wala naman. "W-why? Is there any problem on that?" nagtataka ni Anthony. "Yes, because no one had kissed me. Just my daddy and now, you... Curious lang naman po ako kung bakit n'yo ako hinalikan." Nahihiya man ay nagawa pa ring lumabas sa bibig ni Clara ang gustong sabihin. Hindi malaman ni Anthony kung ano isasagot sa dalaga. Pero ang kaisipang siya pa lang ang unang humalik rito ay tila may sayang hatid na tumagos hanggang sa esophagus niya. "May nakakatawa po ba?" may pagtataray ng tanong ni Clara. Nagulat si Anthony ng mahimigan ang katarayan sa boses ng dalaga. Mukhang palaban rin ito. Palaban na mahinhin. Itinukod niya ang isang kamay sa table at ipinatong ang baba. Nakatagilid siya dahil nasa gilid si Clara. Habang ang isang kamay ay nasa may hita niya. "I won't apologize about kissing you because I don't see any problem on it. And kissing someone on her forehead showing 'respect'. That's what I did, I respected you because even how hard to deal with my cousin you were still here and working," mahabang paliwanag ni Anthony na maging siya ay di rin alam saan sulok ng utak niya nakalkal ang rason na 'yun. Nakita niyang napatango-tango si Clara na mukhang nauunawaan ang kanyang sinabi. "Ok, Sir Anthony. Pero next time, don't do that without my consent kungdi jojobagin kita " Iniumang pa nito ang kamao kaya napaatras siya. "Enjoy your coffee, double check ko lang ang kontrata para mamaya." Tumalikod na si Clara at tuluyan ng lumabas. Napapailing na lang si Anthony. Clara is definitely not his type. Pero hindi niya maiwasang isipin kung ano nga ba pakiramdam na ikaw ang makauna sa isang babae. Never pa kasi siya gumalaw ng virgin. Ayaw niya, dahil wala siyang oras na magturo. Pero, pwedeng magbago 'yun. Napangisi na lang si Anthony sa naiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD