Chapter 10

785 Words
NASA ISANG COFFEE SHOP sina Clara kasama sina Jayson at Sarah. Nauna ng umuwi si Raymond dahil may importante raw itong gagawin. Nagkayayaan sila after office hour to grab some coffee. At pag-usapan muli ang kanyang problema na hindi niya rin alam kung bakit pinoproblema niya. "Ano balak mo?" pukaw ni Jayson kay Clara na mukhang nawawala na naman sa sarili habang ipinapaikot ang dulo ng buhok gamit ang daliri. Napadako ang tingin ni Clara kay Jayson ng marinig ang tanong nito. Itinigil niya ang pagpapaikot sa dulo ng buhok niya dahil mukhang pinagkakamalan na siyang wala sa sarili. Umayos siya ng upo at humarap sa dalawa. "I....don't...know," mabagal niyang tugon. Hindi naman kasi talaga niya alam kung ano ba dapat niyang gawin. Tatlong araw na mula ng si Sir Anthony muna ang naging boss niya. Wala naman naging problema dahil pormal sila sa isa't isa pagkatapos niyang komprontahin ito sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Hindi rin namamalagi si Sir Anthony sa opisina after lunch ay hindi na ito bumabalik. Ewan niya saan nagpupunta, mabuti na lang at walang kailangan gawin. "Mukhang hindi ka na naman interesado sa kanya," untag ni Sarah. Napabuga na lang ng hangin si Clara bago sumipsip sa iced coffee na in-order niya. Urong-sulong kasi ang nangyari sa balak na pagturo sa kanya sa makamundong gawain. "Hindi siya mawala sa isip ko. Maging sa panaginip ko naroon siya. Kulang na nga lang dito na siya sa isip ko tumira, eh," wala sa sariling naisatinig niya kaya mabilis niyang tinignan ang dalawang kaibigan na mapanuksong nakatingin sa kanya. "Gusto kong tumili kaso nakakahiya," may panggigigil na sambit ni Jayson na bahagya pang yumuko. Parang tanga lang. Habang si Sarah naman ay kinagat-kagat ang straw, kawawa naman ang pobreng straw na ang tanging nais lamang ay maging tulay sa pag-inom ng kape. "Sarah, enough murdering the poor straw," di napigilang sita ni Clara rito. Napakunot noo lang si Sarah at tinignan ang straw na kulang na lang ay maputol na sa pagkagat niya. Tumikhim si Jayson na ikinatingin nilang dalawa ni Sarah. "Ano nga plano mo? Wala naman masama, kung lalandi ka lang din naman bakit hindi pa sa yummylicious, ah! Sherep!" Pinagdikit pa ni Jayson ang mga labi at pumikit na tila may ninanamnam na masarap na pagkain. "Aray!" malakas niyang daing ng may tumama sa mukha niya. "Huwag mo nga gahasain ang Anthony ko," awat ni Clara rito. Huli na ng ma-realized niya ang sinabi. "Anthony ko? Sana all," buska ni Sarah. "Dahil inaangkin mo na siya, lets do the operation101: Flirting," sabad ni Jayson at nagsimulang tumipa sa mobile nito. Wala na siyang nagawa kungdi makiayon. Dahil kung wala siyang maihaharap na lalaki sa mommy niya bago ang birthday niya ay gusto nito na sagutin niya si Joshua. Hindi niya nga type ang mukhang kwagong lalaking iyon. Hindi sa mapanlait siya pero 'yun ang totoo. "I think the first thing we need to do is make over," sambit ni Sarah na tinapunan pa siya ng tingin mula ulo hanggang baba kahit na nakaupo siya. "What's wrong with me?" tanong niya. "Well, your fine. 'Yung skirt mo, pwede ba i-adjust mo pataas kahit mga two inches. Above the knee is more appealing," patuloy ni Sarah sa pagkomento. "And do you know that Sir Anthony loves those women with a color in their hair," dugtong ni Jayson. Napataas kilay naman si Clara. "Do I really need to change myself for him?" "If you want him to like you back or to even notice you," Sarah said. "Baka naman magmukha akong desperada? Yes, I do like him but.... nakakahiya." Napatakip pa sa mukha si Clara sa isiping lalandiin niya ang binata. "Nasa makabagong panahon na tayo Maria Clara. Maybe your name sounds so innocent but could you atleast forget about it. Ikaw na nga nagsabi na pati mommy mo ipinagtutulakan ka na. Unless, you want that... what that owl name?" Natawa si Clara sa sinabi ni Jayson. "Joshua pangalan niya," tugon niya. "Sino ba nagsabi kasing kwago 'yun. Mapanglait ka masyado," depensa ni Jayson. "Mabalik tayo sa usapan. Ano na Clara, you decide. Sir Anthony only have one month to stay as your boss. Take it or leave it?" nakangising sambit ni Sarah. Wala naman siguro masama kung susubukan niya. Desperada na kung desperada ang importante ang unang lalaking nagustuhan ay mapansin man lang siya. "Fine, kelan tayo magsisimula?" pagsuko ni Clara. "Ay, bongga!" bulalas ni Jayson na talagang bakas ang pagkabakla. Nagtatago pa ito sa lagay na 'yun, ah. "Let's start today." Napaawang na lang ang bibig ni Clara sa sinabi ni Sarah. Wala na rin siyang nagawa ng hilahin siya ng dalawa palabas sa coffee shop. This is it, pansit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD