Chapter 11

1159 Words
HALOS GUSTO ng lumipad ni Clara patungo sa kanyang palapag dahil sa mga tingin na pinupukol sa kanya. Yes! Sarah and Jayson were successfully colored her hair and managed to sewed her skirt kaya hindi niya alam kung paano ba dapat maglakad. Pakiramdam niya kasi ay wala na siyang suot na pang-ibaba. Nakahinga ng maluwag si Clara ng sa wakas ay nakarating na siya sa kanyang palapag. Nagpunta siya sa loob ng banyo upang mag-ayos dahil nakasanayan na niyang doon mag-ayos. Napatingin siya sa salamin. "Ako ba talaga ito? Infairness, bagay sa akin," kausap niya sa sarili at ginalaw-galaw pa ang kanyang buhok. They put platinum blonde highlights to her hair. Sabi bagay raw ito sa kanya dahil maputi siya. At hindi nga nagkamali ang dalawa. Halos hindi na n'ya makilala ang sarili. Hindi n'ya rin makalimutan ang reaksyon ng mommy niya kagabi ng makita siya. Tuwang-tuwa at dalaga na daw siya. My gosh! Malapit na nga siya mawala sa kalendaryo. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi hanggang sa matapos siya. "Ay palaka!" malakas niyang sigaw at napahawak pa sa kanyang dibdib ng pagbukas niya ng pinto ay may nakaharang na bakal esteh tao. "I'm sorry. Did I scare you?" s**t na malagkit! Bakit ba iba talaga ang dating ng boses ng mahal niya. Ano raw? Gusto lang kahapon. Ngayon, mahal na? Bilis! "Hey," untag muli ni Anthony kay Clara dahil mukhang wala ito sa sarili. Nagdalawang isip pa nga siya kung si Clara ito dahil parang may nagbago rito. Doon niya lang napagtanto na nag-iba kulay ng buhok nito. Which he find more attractive. "Pasensya na po sir. Bakit po kasi kayo narito at nakaabang talaga. May rest room po kayo sa opisina," rinig niyang sabi nito kaya nabalik sa sarili si Anthony. "I'm just checking if you already here." "May iuutos po ba kayo, sir?" tanong ni Clara at medyo umatras ng bahagya dahil amoy na amoy niya ang mabangong pabango ng boss. "Did you color your hair? It's looks perfect on you. Nice taste," di napigilang puri ni Anthony. Iba talaga ang dating sa kanya ng mga babaeng may kulay ang buhok. Ewan niya ba basta mas ma-appeal. Napadako ang tingin niya sa may skirt ni Clara at napakunot noo niya ng makitang above the knee na ito. "Ito na lang po kasi available ko kaya naisuot ko. Nasira po kasi 'yung isa. Panget po ba?" Biglang salita ni Clara ng mapansin kung saan nakatingin ang boss. Hindi niya alam kung paano palalandiin ang boses niya. Nang maalala ang sinabi nina Jayson at Sarah. Kagatin mo ang ibabang labi mo sabay ipit ng ligaw na buhok mo sa'yong tainga. Isa 'yan sa mga way kung paano mo lalandiin ang taong gusto mo. Mabilis niyang kinagat ang ibabang labi bago pa niya mai-ipit ang ilang buhok sa may tainga ay narinig niya humagalpak ng tawa si Sir Anthony. Kunot noo niya itong tinignan habang kagat-kagat pa din ang ibabang labi. "So-sorry but please st-stop biting your lips. Baka makain mo lipstick mo," tumatawa pa ring sabi ni Anthony. Mabilis na inalis ni Clara ang pagkakakagat sa labi dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay nahiya siya dahil mukhang siya ang pinagtatawanan ng mokong. "May nakakatawa po ba sir?" di napigilan na tanong ni Clara na may himig na inis ang boses. Biglang napatigil si Anthony sa pagtawa pero bakas pa rin na natatawa pa rin siya. Sino ba naman di matatawa parang gigil na gigil si Clara ng kagatin ang labi. Iniisip niya tuloy kung nilalandi ba siya nito o sadyang..Ah basta! Tumikhim si Anthony upang alisin ang bara sa lalamunan at umayos ng tayo. Pero hindi talaga niya maiwasan matawa kapag naalala ang ginawa ng dalaga. "Sige tumawa ka pa, sasapakin na kita!" banta ni Clara sa boss niya. Naiinis na siya. Pakiramdam niya siya talaga ang tinatawanan nito. "Bring my coffee," sabi ni Anthony at tinalikuran na si Clara baka masapak at mapingasan pa ang gwapo niyang mukha. "Next time, don't bite your lower lip like that," habol pa niyang sambit bago tuluyan pumasok sa opisina ng pinsan na pasamantalang kanya. Napataas naman ang kilay ni Clara dahil sa sinabi ng temporary boss niya. Hindi ba nito nagustuhan? Hindi ba ito naakit sa kanya? Napabuga siya ng hangin. Malilintikan talaga ang dalawa sa mga itinuturo sa kanya. Napagtawanan pa tuloy siya. Nagdadabog na nagtungo siya sa kanyang table upang ilapag ang bag at dumiretso sa pantry. Habang sa loob ng opisina ay hindi talaga mapigilan ni Anthony na tumawa. Ang cute kasi ng dalaga. Kung may makakakita lang sa kanya ay baka isipin na nababaliw na siya. Napapaisip siya kung ano meron sa secretarya ng pinsan niya. Bakit bigla ay nagpakulay ng buhok ito tapos pinaiksi pa ang skirt na suot. Nagdilim ang mukha niya ng maisip na baka may nagugustuhan na ito kaya binabago ang sarili. Tatlong katok ang pumukaw sa kanya. "Come in." Napadako ang tingin niya sa pinto ng magbukas ito at iniluwal ang dalaga. "Your coffee, sir," magalang na sambit ni Clara at inilapag ang kape sa lamesa nito. "Should I read your schedule now, sir?" "Bakit pina-iksi mo ang palda mo? At bakit nagpakulay ka ng buhok?" maging si Anthony ay nagulat sa lumabas sa kanyang bibig. Napaawang ang bibig ni Clara dahil sa diretsang tanong ng boss. Paano niya sasagutin ito. Sasabihin niya ba na ito ang dahilan. "Siguro nagpapapansin ka sa crush mo, 'no, Ms.Dizon?" Tumayo si Anthony at humarap rito. Nakapagitan sa kanila ang lamesa. "A little advice Ms. Dizon coming from an expert. If that guy really likes you, he will accept whoever or whatever you are. You don't need to change yourself to please someone. Give yourself respect because you deserve it. Sorry if you think I'm crossing the line but like I said... You are beautiful in your own way." Natigilan si Clara sa mga narinig mula sa sinasabing pinakababaero sa angkan ng Villaflor. Bakit parang tumagos sa kaibuturan niya ang sinabi nito. May punto naman ito, bakit nga ba niya kailangan baguhin ang sarili. Pero, kung aaminin niya bang ito ang dahilan....ano kaya magiging reaksyon nito? Nabalik si Clara sa sarili ng marinig ang pagkatok mula sa pintuan. Dali-dali niyang binuksan ito. "Goodmorning po ma'am," bati niya sa magandang babaeng sa harapan. Head ito ng marketing department. Oo, nga pala may meeting ito at si Sir Anthony ngayon. Hindi siya pinansin nito at diretso lang na pumasok. Napahabol na lang siya ng tingin. Napakasexy nito sa suot na bodycon na color red. Parang party ang pupuntahan at hindi trabaho. "Goodmorning Sir Anthony. I'm here for our meeting. I hope your secretary inform you." Bakit parang sa pandinig ni Clara ay tila itong pangangapusan ng hininga sa bawat bigkas ng salita. Napadako ang tingin niya kay Sir Anthony na ngayon ay titig na titig kay Ma'am Rachel. Napairap na lang siya, dahil mukhang bumalik na naman ang pagiging babaero ng boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD