Isang babae na ang hangad sa buhay ay maayos na pamumuhay, ngunit puro na lamang problema ang binibigay sa mga taong nakapaligid sa kaniya kahit na hindi niya ito sinasadya. Isang babae na napapagod din dahil sa mga nangyayari. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin dahil nattrauma na sa lahat ng nangyayari, kung may gagawin man siya hindi na niya alam kung tama pa ba o hindi na dahil sa mga salita na natatanggap. Hindi na rin niya maisip ang sarili niya dahil ang kaniyang atensyon ay nasa kahihinatnan ng bawat kilos niya. Ngunit umaasa siya na mababago ang ganitong trato sa kniya ng mundo.