Habang nasa loob ng klase si Diamond lumilipad ang kanyang isipan. Para itong nagdadasal na bumilis ang oras. "Miss Geller, nakikinig ka ba sa akin o may binibilang ka sa kisame!" Ngunit hindi pa ito pinansin ang kanyang teacher. "Diamond Geller stand up!" "Diamond, tawag ka ni Ma'am Sariwa." Yugyog ng katabi niyang kaklase. Bigla ito nakatingin sa paligid at nakita niyang nagtatawanan ang mga kaklase habang nakatayo na malapit sa kanya ang kanyang professor. "Nakikinig ka ba sa klase ko?" "Of course!" Mayabang na sagot niya. "Sige nga, ibigay mo sa akin. Enumerate all the pulse points in our body." "There are a total of seven, siete and pito pulse points in the human body. The pulse points are the neck, le-og, leeg (carotid artery), the wrist, pulsuhan (radial artery), behind the

