"M-Manong puwede mo na ako bitawan." Papikit-pikit na saad niya sa binata. "Tingnan mo nga ang sarili mo. Iinum-inum hindi naman kaya. Alam ba 'to ng magulang niyo ang pinaggagawa niyo?" Singhal ng binata sa kanya. Napasinghap naman si Diamond dahil sa dami ng sinasabi ng kaharap. "T-Teka lang, Manong. May kasalanan ka sa akin, hinalikan mo ako ng walang paalam." Sabay sipa sa binata. Mabuti nalang at nakaiwas 'to. Ngunit nasubsob siya sa sahig. "f**k. Hindi mo ako yayo para mag-alaga sa'yo. Pasalamat ka at iniligtas kita." Tatayo pa sana si Diamomd ngunit hindi na 'to nakayanan. Kaya binuhat ito ng binata at kinarga patungo sa sasakyan ng binata. "I-Iwananan mo nalang ako dito. Hinahanap na ako ni Kuya. I-Ibaba mo na ako. S-Sabing ibaba mo ako." Sobrang naingayan ang binata kaya ni

