Sumama kami ni Riel kay Tatay sa bayan para bumili ng mga binhi ng mga gulay na itatanim namin sa likod-bahay. Naglinis kasi ako sa likod at binunot ko na ang mga matatandang puno ng mga okra at mga talong kaya naisip kong sumabay kay tatay na patungo na rin ng bayan para sa mga panibagong binhi. Ang ganda na ng bayan kumpara sa kung anong itsura nito dati. Maging ang pinaka parokya namin ay maganda na ang ayos. Ang plaza ay may mga magaganda ng palamuti na makakaakit sa mga tao na maupo muna saglit para magpahinga. Napakalinis din naman. Kung dati ay may malinis na, ngayon ay mas malinis dahil ang mga halaman sa paligid ay pare-pareho at pantay-pantay. Halatang may nagmimintana. Tunay na pinapangahanga talaga ako ni Matias sa mabilis na pagpapaunlad at pagpapaganda niya sa aming ba

