“Mabuti naman at naisipan mo ng umuwi?” untag ni Matias ng kamin dalawa na lang ang nasa terrace dahil muli ng lumusong sina nanay at tatay sa bukid habang sina Ate Dea at Riel ay nasa kanilang silid para mag-siesta na Buong akala ko nga ay aalis na rin si Matias dahil mukhang ayaw niya na akong makasama pero heto at nagpatimpla pa ng kape. “Masama bang umuwi? Bawal na ba ako sa bayan na ito dahil ikaw na ang mayor?” ang siyang sagot ko sa kanya. “Nasaan ang afam mo?” sa halip ay tanong na naman niya. “Bakit mo tinatanong?” masungit kong tanong. “Nagtataka lang ako bakit hindi mo pa kasama. Inaasahan ko na pag-uwi mo ay may bitbit ka ng afam na ililibot mo sa buong lugar natin para makita ng lahat na natupad mo na ang pangarap mo.” Katuparan ng pangarap ko? Alam ko naman na ganun

