Episode 38

1647 Words

Dahil tulog na si ate Dea ng ganitong oras habang sina nanay at tatay ay abala sa bukid, ako ang naghatid kay Riel sa daycare center kung saan siya nag-aaral. At gustong-gusto ko naman. May kalayuan ang paaralan kaya mabuti na lang ayos pa ang e-bike na regalo ni ate Dea sa mga magulang namin ilang taon na ang nakakaraan. Dahil ngayon lang ako nakita ng mga kaklase at mga magulang na rin nasa eskwelahan na ay natural lang na pagtinginan nila ako. Ganito kahit saan. Kapag may bagong mukha ay tampulan ng usapan kung sino. Pero baka ang iba sa kanila ay kilala naman ako. Pumuti lang ako pero ako pa rin si Daria na madalas nilang makita na naglalakad o kaya ay nakasakay bisikleta kong gamit dati sa pagpasok at pag-uwi galing sa trabaho. Mula alas otso hanggang eleven-thirty ng umaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD