Work from home si ate Dea at mabuti na lang talaga at naabot na ng internet connection ang lugar namin at salamat talaga kay Matias at sa mabilis niyang pagpapaunlad sa aming bayan. Sa ilang araw ko ng pananatili sa bahay namin ay hindi rin naman kami makalabas dahil nga umuulan dahil na rin sa bagyo. Sa Taiwan, tanghali na ako nagigising ngunit pag-uwi ko rito sa bahay ay balik ako sa nakasanayan kong madaling araw pa lang ay nakatayo na at abala na sa paglilinis ng bakuran o kaya naman ay nagluluto na. Gising pa si Ate Dea at mamaya pa ang out niya sa trabaho na seven pm hanggang seven am ang schedule niya. Gising na rin sina nanay at tatay dahil maaga silang magtatanim ng palay sa bukid. Ako na ang nagluto ng almusal para paggising ni Riel ay may pagkain na at para na rin pag out

