Nais ni Matias na huwag na akong magtrabaho ngunit igiit ko pa rin ang gusto ko. Una, ayokong umasa sa kanya o kaya ay manghingi ako ng pera sa kanya kapag may gusto akong bilhin kaya talagang gusto ko ang magtrabaho. At isa pa, kapag maghapon akong nasa bahay na ito ay baka tumanda ako ng mas maaga dahi sa kanyang tiyahin na parating kami ang napapansin. Ayoko naman na araw-araw akong nakikipag-bangayan ay nagkakaroon ng kasalanan. Kaya dapat lang na magtrabaho ako. Kailangan din nina nanay at tatay ng panggastos sa araw-araw lalo na sa mga gamot nila. “Aalis ka yata? Dapat lang na umalis ka at huwag ng bumalik pa kahit kailan.” Napapikit na lang ako. Madaling araw pa lang pero ini-imbyerna na ako ng tiyahin ng asawa ko. “May trabaho ako at kailangan ko ng bumalik.” Sagot ko naman

