Sa kama ako natulog habang sa sahig naman si Matias. Noong una ay ako ang nasa lapag ngunit nakipagpalit ang matalalik kong kaibigan na ngayon ay asawa ko na. Hindi raw siya makakapayag na mahihiga ako sa lapag at siya ay komportable sa malambot na kama. Binuhat niya pa nga ako sa pagkakahiga sa sahig kaya muntik na akong napatili. Wala na siya sa loob ng silid ng magising ako. Laking gulat ko pa nga ng pasado alas-siete na pala ng umaga. Paano naman kasi ay halos mag-uumaga na ako nakatulog. Kahit anong gawin kong pagpikit ng aking mga mata ay hindi ako nakatulog ng mas maaga. Kaya naman nagmamadali akong lumabas ng silid at saka bumaba. Ewan ko ba at kung kailan nasa ibang bahay ako ay doon naman ako tinanghali gumising. “Goodmorning senyorita,” magalang na pagbati sa akin ni Luz

