Halos isang buwan din ako nagtagal sa training area marami rin akong mga naging kasamahan na mga babae rin naman. Nag-aral kami kung ano ang magiging trabaho namin sa isang electric company na gumagawa ng isang sikat na brand ng appliances. Sa araw-araw ay talaga namang nag-enjoy ako sa mga naging gawain namin at pati na rin sa mga bagong kakillala. Ngunit hindi ko maipagkakaila na sa tuwing mahihiga ako at magpapahinga ay umaasa akong may mga matatanggap na pangangamusta kina nanay at tatay maging kay Matias. Pero kung hindi ko pa sila i-chat ay hindi nila ako maaalalamg kamustahin. Sina nanay at tatay kasi ay hindi pa masyadong maalam gumamit ng cellphone kaya naiintindihan ko. Si Matias naman ay mas lalong dumami ang trabaho sa hacienda kaya halos wala na rin daw pahinga at diretso

