“Senyorita, tuloy pa rin pala ang pagpunta mo ng ibang bansa?” tanong ni nanay Anita ng masabi ko sa kanila ang napipinto kong pag-alis. Sinadya ko pa nga ang family lawyer ng mga Las Palmas para hingan ng update kung ano na ang balita tungkol sa lupa sa paanan ng bundok at nagbigay naman siya ng positibong sagot. Ayon pa sa abogado ay walang laban si Lyneth Las Palmas at hindi nito mapapaalis ang kahit na sinong naninirahan sa paanan ng bundok. Kaya buo na talaga ang loob ko na magpunta ng taiwan. Alam naman ng halos lahat ng mga taong nakakakilala sa akin na ito ang pangatap ko kaya huwag na silang magtaka. At saka, wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Suportado ako ng mga magulang ko gayundin ni Matias. “Opo, tuloy pa rin po. Excited na nga po ako na magtungo ng ibang bansa

