“Matias, anong balita ni Attorney tungkol sa lupa sa paanan ng bundok? Malapit na bang mapasakamay ng mga tao roon ang titulo para may hawakan na sila laban kay Senyorita Lyneth?” usisa ko kay Matias. May dumating kasing magandang balita sa akin ngunit nahahati ang loob ko lalo pa at hindi pa ako nakakatiyak tungkol sa dahilan kung bakit kami nagpakasal ni Matias. Pasado na ako sa inaplayan kong agency patungo sa bansang taiwan. Kaya naman kailangan ko ng umalis para sa mag-training bago ako magtrabaho. “Hindi pa kami nakakapag-usap ni attorney pero alam ko naman na ginagawa niya ang lahat para sa maganda nating plano sa paanan ng bundok.” Sagot naman ni Matias. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka nagbunga ng hangin. “Matias, nakapasa na ako sa agency na inaplyan ko para makapagtraba

