Nang malayo na ang sasakyan ng babaeng ngalan ay Miss Faye ay hinaral ko na si Matias at saka tiningnan ng mapang-usig na titig. “Halata kung gaano kasaya habang nakikipag-usap ka sa babaeng iyon, ano? Dahil ba maganda at sexy?” sita ko sa kanya habang nakasiklop ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib. “Daria, ano bang sinasabi mo? Natural lang naman na masayahin ang pagkatao ko mula pa noong mga bata pa tayo, hindi ba,” sagot niya. Pinanliitan ko siya ng mga mata at saka ko pa inilapit ang mukha mo sa mukha niya. Pinakatitigan ko siya para mas lalong usigin sa pakikipag-usap sa babaeng kliyente niya. “Pero iba ang saya mo kanina, Matias. Kumukutikutitap pa ang mga mata mo habang nakikipag-usap ka sa babaeng iyon. Para bang sayang-saya ka talaga at nakukuha mo pang makipagtawanan,

