“Senyorita, huwag na huwag mong pagbubuhatan ng kamay ang asawa ko dahil wala kang karapatan.” Madiin na sambit ni Matias sa kanyang tiyahin na muntik akong masampal kung hindi ko lang agad nasangga ang kamay. “Aba, Matias! Natuto ka na yatang sumagot at lumaban sa akin ng dahil sa babaeng yan!” galit na galit na wika ni Lyneth Las Palmas. “Senyorita, papayag ako na pagsalitaan mo ako ng hindi maganda kahit pa ang pagbuhatan mo ako ng kamay pero hindi ang asawa ko. Hindi ako makakapayag na saktan mo kahit dulo ng buhok ni Daria.” Sagot naman ng asawa ko. Sobra naman ako protektahan ni Matias. Hindi ko alam na marunong pala siyang magalit dahil sa nakita niya akong muntik masaktan ng kanyang tiyahin. Dinuro naman naman kami ni Lyneth at talagang nanlilisik ang mga mata. “Kayong dalawa

