“Nay, kamusta naman po ang nga tao sa paanan ng bundok? Naroon pa rin po ba iyong mga naghihintay ng signal para maumpisahan na ang minahan?” usisa ko kay nanay ng makauwi ako ng bahay dahil day off ko naman. “Oo, anak. Naroon pa rin sila kaya hindi pa nagiging kampante ang mga kababayan natin. Pero ang maganda ay hindi natuloy ang pagpapaalis sa kanila ni senyorita Lyneth. Kamusta ka naman sa hacienda, anak? Baka naman minamatrato ka ng tiyahin ni Matias?” Medyo natawa ako sa naging tanong ni nanay. Minamaltrato? Alam kong alam naman talaga ng nanay ko na iba talaga ugali ng Lyneth na yon pero alam din naman ng nanay ko na hindi ako basta magpapa-api lalo na ang magpamaltrato. “Nay, ako magpapa-api? Alam niyong hindi ako ganun kahina at lalong hindi ako papayag na mattratuhin. Kayo

