Kanina pa ako tingin ng tingin sa wrist watch ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Matias na kahit kailan ay hindi pa ako pinaghintay ng ganito katagal. “Nasaan na ba ang lalaking iyon?” naiinis ko ng bulong at saka na tumayo mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kalsada. Kanina pa nakauwi ang mga kasamahan ko sa trabaho pero hanggang ngayon ay narito pa rin ako at halos ugatin na ako sa paghihitay. Iniisip ko na lang na baka nasiraan siya ng sasakyan kaya hanggang ngayon ay wala siya rito. Hindi gawain ni Matias ang hayaan akong mag-isa lalo pa at alam niyang nasa delikado akong lugar. Nakatitig ako sa malayong daan kung saan manggagalingan si Matias pero kahit anino talaga ng sasakyan niya ay wala. Kanina pa rin ako tawag ng tawag pero hindi niya sinasagot. Malamang na naiwan niy

