“Senyorita, ano ang ibig niyong sabihin sa mga sinasabi niyo sa asawa ko?” diretsahan ko ng tanong kay Lyneth Las Palmas. Isang matalim na titig ang ginawa niya sa akin. “What I mean is dapat nag-ingat ng husto si Matias sa pagpili ng taong papasukin sa aming pamilya lalo pa at marami ngayon ang mga opurtunista at mukhang pera. Nagkalat ang mga nagpapanggap na anghel ngunit ang totoo ay kay haba ng mga sungay.” Madiin niyang pananalita sa akin. Wala talagang kadala-dala ang babaeng kausap ko. Lahat talaga ng lumalabas sa bibig niya ay patungkol sa kanya. Hindi niya na naiisip na ugal niya mismo ang siyang tinatalakay niya? “Talagang maraming opurtunista at mukhang pera sa panahon ngayon, senyorita. Ngunit may mga alagad si Satanas na garapalan na kung gumawa ng masama. Tipong hindi n

