Umalis na nga si Lyneth Las Palmas kaya naman nagtipon-tipon ang lahat ng mga matatanda, babae man o lalaki para magapalitan ng mga kuro-kuro at mag-isip ng pwedeng gawing hakbang para hindi matuloy ang minahan. Malaki talaga ang laban sa amin ni Lyneth dahil hawak niya ang titulo ng lupa dito sa paanan ng bundok. Wala nga naman kaming katibayan para na magsasabing sa mga tagarito ang lugar na ito. Tatlong araw. Tatlong araw lang ang binigay niyang palugit sa mga tagarito para lisanin ang lugar. Anong gagawin namin? Anong pwede naming gawin para hindi magtagumpay ang gahaman na babaeng iyon na paalisin ang mga tao rito at wasakin ang lugar na ito. Nakatayo ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ang napakagandang paligid. Ang kulay luntian na mga puno at halaman

