Chapter 13 - Ang Saradong Puso

1183 Words
RAILE Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit ayaw huminto ng mga luha ko??? Bakit ayaw nilang mapagod??? Pagod na ako!!! Bakit kayo hindi????? Di ba kayo nauubos?!!?!?! "Mama..." tahimik na hikbi ko habang nakasiksik sa sulok ng kama at sapo ang ulo ng aking mga braso habang nakasuporta ang aking tuhod. Tahimik akong humikbi habang naaalala ang kamatayan ng aking ina. "Your mother has a stomach cancer. Unfortunately, malala na ito dahil sa wala siyang isinagawang test o kahit anong maaaring makapagpahinto ng pagkalat ng mga cancer cells. I'm sorry to say this, but we need an operation." "Pero Doc, wala kaming pera." "I'm really sorry. Pero kailangan talaga." Di maubos-ubos ang luha ni Rae habang tinutungo ang direksyong kelanman ay di niya ninais puntahan. Hinarap niya ang isang kahoy na pinto at hinugot ang isang malalim na hininga at pikit-matang kumatok. Pinagbuksan siya ng dalawang magkayakap na lalaki. "Sino sila?" biglang nanikip ang dibdib ni Rae sa nakikita niya. Ang kanyang ama na walang kaalam-alam na ang anak pala nito ang kausap. Kinalimutan muna niya ang galit at biglang tiningnan ang ama, mata sa mata. "P-pa... Pu-pwede bang ma-k-kahiram ng p-pera?" utal niyang sabi. Nagulat ang ama niya at ang karelasyon nito. Pero agad rin itong nag-iwas ng tingin at akmang isasarado na sana ang pinto nang harangin ito ni Rae. "P-pa---" "Hindi mo ako ama! Umalis ka!!!" "P-pa..." pinipilit ni Rae na wag lumuha pero naghalo na ang galit niya sa ama at awa sa ina. Ginawa niya ito para sa ina dahil wala na siyang ibang kilalang mauutangan maliban sa kanyang itinuring na ama. "UMALIS KA!!!!" "MAY CANCER SI MAMA AT MAMATAY NA SIYA NGAY---" "Edi mabuti---" Di na nakalagpas ito kay Rae at agad niyang sinuntok ang ama. Gumanti ito pabalik dahilan para matumba siya. "ANG LAKAS NG LOOB MONG PUMUNTA DITO PARA MANAKIT!!!!!! ANO?!!?! MASAYA KA NA?!?!?! UMALIS KA KUNG GUSTO MO PANG MAKITANG MAMATAY ANG MAMA MO!!!!" Bigla siyang siniraduhan ng pinto at galit na galit niyang pinagsusuntok ang pintuang iyon. Kahit sa ganoong paraan ay maiibsan man lang ang kanyang sakit na nadarama. Nahinto siya nang tumawag ang ospital sa kanya. "H-hello?'' "Ms. Saavedra? Kailangan niyo pong pumunta sa ospital." Nagmamadali namang tinakbo ni Rae ang limang kilometrong layo ng ospital sa kanyang kalagayan. Kahit umuulan ay di niya ito alintana, di siya nakaramdam ng pagod o gutom... At pagdating niya'y 'tila mas gumuho ang mundo niya. "Di na kaya ng Mama mo ang surgery. Nagrun kami ng test kanina at mukhang di na talaga kinaya." Pailing-iling namang nakinig si Rae habang nakikinig. Nanginginig siya sa dalawang rason... Dahil sa lamig at sa takot sa sasabihin ng doktor. "Leslie Saavedra 10:45 PM." Tuluyan nang pinakawalan ni Rae ang sakit na nararamdaman. Bigla namang dumating si Kaye upang damayan ang kaibigan pero lugmok ito't di na alam kung paano bumangon. "May iniwan siyang sulat para sa'yo." binigay sa kanya ng doktor ang isang papel. Binasa niya ito at mas naluha sa mga nabasa... "Anak, maikli lang ang sulat na 'to. Alam kong pinuntahan mo ang Papa mo pero di ko na kaya. Ayokong mahirapan ka at nahihirapan na rin ako. Please live your life for me. Ayaw mong nalulungkot ako diba? Wag kang gagawa ng ayaw ko, maging mabait ka parin. Patawarin mo na ang Papa mo ha? Lahat ng may kasalanan sa'yo. Magpatawad ka anak. Wag kang mag-alala babantayan ka naman ni Mama eh. Sorry kung di naging maganda ang buhay mo kasama ako, iniwan na kita sa Ninong mo. Magpakabait ka ha? Ipakita mo sa kanya ang gusto mong ipakita sa akin. Kayo lang ang alam kong nagmamahal sa akin. Kaya ituring mo siya kung paano mo ako ituring ha? Mahal kita. Mahal na mahal ka ni Mama." Lalo namang humagulhol si Rae at 'tila nawalan ng ganang mabuhay. Ilang buwan siyang nagmukmok at pinabayaan lang 'to ng kanyang Ninong na todo suporta naman sa kanya. Hanggang sa napagdesisyunan niyang burahin ang bakas ng dating SIYA at baguhin ang sarili. Itinago, inilibing niya ang dating sarili at naging ibang tao. Nawala na ang makulit na Rae, nawala na ang masayahing Rae, nawala na ang positibong Rae, nawala na si Rae. Tinugon niya ang Ninong niyang tawagin siyang Raile at pumayag naman ito. Nabubuhay siya bilang si Raile, tahimik, masungit, malamig at walang pakialam sa mundo. Di man tuluyang nawala ay itinago niya ang kabaitan niyang inabuso ng mga taong pinagkatiwalaan niya. Itinatak niya sa isip ang mga sakit na pinagdaanan niya. Nagpatawad siya pero sinirado niya ang kanyang mundo. Ang mga tao sa paligid niya na pinakikisalamuhan niya'y nabibilang... Si Coco, Si Ate Panying, Si Ferdi, at si Kaye. "Namumugto ang mata mo, umiyak ka na naman ba?" nag-aalalang tanong ni Ate Panying. Di nalang ako umimik at kumain. Hinaplos niya ang likod ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Umalis siya at nagpatuloy sa panlalaba. Mapait akong ngumiti at hinugasan ang pinagkainan ko. Balak kong magjogging, kaya maaga akong nagising. Pakiramdam ko, pag tumatakbo ako saglit akong nagiging malaya, saglit akong nakakatakas sa kung ano man ang gusto kong takasan. Nakasweatshirt ako at nakajogging pants. Kinuha ko ang mp3 at isiniksik ito sa di-zipper na bulsa ng sweatshirt ko at lumabas ng unit ko. Saktong nakasabay ko naman si Lander. "Good morning." bati nito. Tinanguan ko lang siya. Di parin ako komportable lalo na nang may malaman ako tungkol sa kanya. "Puwede bang sumabay?" Napansin kong parehas kami ng outfit kaya kibit-balikat ko nalang tinungo ang elevator at pumasok naman siya. "I understand why you don't speak." pag-oopen niya ng topic. "And I don't why are you speaking to me." bulong ko. "Because we're the same." Napataas ang kilay ko, saktong pagbukas ng elevator. Bigla niya akong hinila palabas at patay-malisyang tumakbo habang nakahawak sa may bandang kamay ko. Nakalabas kami at binitawan niya ang kamay ko. Sinabayan ko lang siyang tumakbo. Hanggang nakarating kami sa park, naglibot-libot habang tumatakbo hanggang sa sumapit ang alas sais. "Tara bili tayong kape doon." Di pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako papunta sa isang coffee shop. Um-order siya ng pancakes at waffles at latte. Inaya niya akong umupo habang naghuhum ng isang kanta. "Bakit?" biglang labas sa bibig ko. "What?" 'tila isang batang tanong niya. "You're cold in front of everyone, but good in front of me." wala sa sarili kong sagot. "Now I'm asking, why?" Bigla akong napabalik sa reyalidad. "Ah... Uhm.... May nagseselos kasi..." Napakamot ako sa batok ko at pilit umaakto kung paano dapat ako umakto pero sa alam kong isa ring "problema" niya di ko magawang magsungit. "Ah ganun ba?" "Di naman ako cold, seryoso lang." "Ah..." Nagulat naman ako nang bugpa siyang tumaw. "HAHAHAHAHAHA!" "What?" naguguluhang tanong ko at bigla siyang tinaasan siya ng kilay. "You're cute." Napaiwas ako ng tingin. Argh, he's just taking advantage Raile. Nagbreak down ka kanina kasi naalala mo ang Mama mo at medyo wala ka pa sa sarili. Wag kang padadala. "Sungitan mo nga ako. Para naman di ko maisip yung naiisip ko." "A-anong n-naiisip m-mo?" utal-utal kong sabi. "Na pareho tayong malungkot."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD