RAILE
"Papa! Look ang dami kong stars oh!" masiglang sabi ng isang limang taong gulang na bata sa kanyang ama na may kausap sa telepono.
"Papa, kailan ka po ba makakasama sa birthday ko?" ulit na pagpapansin ng walang kamuwang-muwang na musmos sa kanyang ama na di naman siya pinagtutuunan ng pansin.
"Rae? Wag mo nang guluhin si Papa mo okay?" pakiusap naman ng Mama niya kaya malungkot na lumisan si Rae at di na pa muling nangulit. Taliwas sa kanyang alam, di na pala nasa maayos na kalagayan ang kanyang magulang.
Matalino, makulit, masayahin at mabait na bata si Rae. Larawan siya ng batang positibo at madaling matuto. Lagi siyang nangunguna sa klase at laging naghahakot ng mga parangal, pero sa kabila ng parangal na iyon ay isang bagay ang di niya makuha, ang atensyon ng ama.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Rae, kakaunting salo-salo lang para sa kanilang pamilya, dahil nga sa kapos sila sa pera.
"Mama mama, di ba po andito pa si Papa? Asan po ba siya?" inosenteng tanong ng batang si Rae habang tinutulungang magligpit ng pinggan ang kanyang ina.
Kahit minsan di man pinansin ng ama niya ay mahal pa rin ito ni Rae, patuloy niyang ipinaiintindi sa sarili na sadyang busy lang ang ama kaya di siya nito magawang pansinin kahit isang beses lang.
Nanggigilid ang luhang hinarap ng ginang ang kanyang walang kamuwang-muwang na anak.
"Bakit ka po iyak Mama?" inosenteng tanong ni Rae habang pinupunasan ang mata ng kanyang ina.
"Happy si Mama kasi magiging dalaga na ang Baby Rae ko." pagsisinungaling nito.
"Mama, six lang po ako." sabi nito at ipinakita ang kanyang anim na daliri. "Dalaga na po ako pag di na kaya ng fingers ko bilangin."
"Ay ganun ba yun?" natatawang tanong ng kanyang ina. Tumango naman si Rae bilang pagsang-ayon.
"Tsaka Mama, di ba po pag happy dapat nakasmile? Bakit ka po umiiyak?"
"Ay, nakalimutan ni Mama." ngumiti naman ng malawak ang Mama ni Rae. Agad naman itong niyakap ni Rae at lalo namang naiyak ang kanyang ina.
"Mama, wag ka na po magcry." saway nito.
"Opo opo. Sige na akyat ka na. Alas otso na oh, si Papa mo bukas ka nalang nun babatiin. Sleep na, bad ang nagpupuyat."
"Di naman niya po ako nabati kahit once." sabi nito at ipinakita ang hintuturo. Labis namang nalungkot ang kanyang ina sa sinabi ni Rae. Pero dahil positibong bata si Rae agad itong ngumiti. "Pero, palagi po siyang andyan kaya happy na po ako. Good night Mama! Mahal na mahal ka ni Rae."
Inakyat ni Rae ang upuan upang makalevel ang ina at hinalikan ito sa pisngi. Masaya pa itong kumanta ng "happy birthday" habang paakyat ng hagdan. Nang masiguradong nakaakyat na ang anak, ay biglang napaupo naman ang ginang at hinayaan nang bumagsak ang kanyang mga luha.
Naalimpungatan si Rae nang maramdamang wala ang ina sa kanyang tabi. Napatingin siya sa orasan at alas onse na pala. Lumabas siya habang akay-akay ang kanyang tuta na regalo sa kanya ng ina.
"Raiko naman! Di ka ba naaawa sa anak mo! Kailangan ka niya! Kailangan ka ng anak mo!"
Dahil sa narinig na sigaw ng ina ay bahagyang nanigas sa kinatatayuan si Rae. At dahil nga sa matalino ito, 'tila alam na niya ang nangyayari.
Tinungo niya ang ikatlong hakbang ng hagdan at umupo. Doon ay sinilip niya kung ano ang nangyayari sa baba at nakita naman niya ang ama dala ang maleta nito.
"Puwes! Hindi ko siya kailangan! Hindi ko kayo kailangan! Alam mo namang bestfriend lang ang turing ko sa'yo pero ano?! Siguro plinano mo ang gabing yun--- ang gabing pinakaayaw ko sa lahat!!!! At si Raile? Di ko siya anak! Nakikita ko siya bilang isang pagkakamali na ikaw ang dahilan!!!!!"
Bawat sandali ay tumatak sa isip ni Rae, ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang mga pangyayari. Ang dahilan nang hindi pagpansin sa kanya ng ama.
"Raiko, please.... Maawa ka... Ayokong lumaking walang ama si Ra---"
"Hindi niya ako ama! Anak mo sa ibang lalaki yan!!! Hindi ako!!!"
"Per---"
"Ang limang taon na pagtira ko dito ay isang bangungot!!!! Dapat talaga pinalag---"
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ng ama ni Rae.
"Kelanman wag mong sasabihin yan! Ituring mo na akong patay wag lang ang anak natin!"
"Anak mo lang! Akala mo nagustuhan ko yun? Diring-diri ako Leslie. Diring-diri ako sa pagkakamali ko! Na araw-araw na makikita ko yang pagmumukha ng batang iyon para akong binabangungot!!! Alam mong bakla ako, pero ano? Pinagdiinan mo? Pinagdiinan mong panindigan kita at ako naman itong si tanga, pinagbigyan ka kasi bestfriend kita pero Leslie. BAKLA AKO."
"Papa?" 'tila umalingawngaw ang maliit na humihikbing tinig na iyon ni Rae dahilan para huminto ang kanyang mga magulang.
"Baby Rae ba't ka gumising?" nag-aalalang tanong ng ina pero di ito napansin ni Rae at dagling yumakap sa binti ng ama.
"Papa! Alam ko pong ayaw niyo sakin, mawawala nalang po ako kung gusto niyo basta huwag mong iwan si Mama." nagsusumamong pagmamakaawa ni Rae.
Nagpupumiglas naman ang kanyang ama habang ang ina nito'y pilit inaalis ang pagkakayakap ni Rae sa binti ng ama.
Nang tuluyang matanggal si Rae ay hinarap ni Leslie si Raiko.
"Anak mo na ang nakiusap---"
"ANAK MO!" sigaw ni Raiko. "At ikaw bata ka, wag mo akong tatawaging PAPA dahil hindi ako ang ama mo, at wala at hindi ako nagkaanak."
Tumalikod ang ama ni Rae at nagpupumiglas naman si Rae sa kanyang ina, nang makawala ay tumakbo ito sa ama at yinakap ang binti nito.
"PAP---"
Nagpumiglas ang ama ni Rae at dahilan para mahiwalay si Rae sa ama at tumama sa pintuan at nawalan ng malay.
Nag-alala naman ang kanyang ina at natarantang tinungo ang anak. Nang masigurong nawalan lang ito ng malay ay agad niyang nilapitan ang ama nito.
"LUMAYAS KA!!! Wala kang kuwentang ama! Wala kang kuwentang tao! Lumayas ka! Sumama ka sa lalaki mo!" pinagtabuyan na ng tuluyan nito ang ama ni Rae hanggang sa nakalabas na nga ito.
---
Lumipas ang sampung taon at ang positibong Rae ay napalitan ng isang babaeng matapang... Ipinakita niyang kaya nilang mabuhay ng kanyang ina na wala ang itinuring niyang ama. Nabuhay siya sa galit at ito ang kanyang nanging motibasyon.
Pero nanatili parin ang matalinong Rae, andyan parin ang masayahing Rae, andyan parin ang mabait na Rae, andyan pa rin ang makulit na Rae, pero sinirado niya ang puso niya sa pagmamahal maliban nalang sa kanyang ina.
Hanggang dumating si Dylan... Isa ring bakla na nakilala niya... Noong una'y inakala niyang iba ito sa lahat pero ito rin pala ay halos katulad lang rin ng ama...
Kakompetensiya ni Dylan si Rae pagdating sa akademya dahil di naman maitatanggi na may angking talino talaga na kayang ipamalas si Rae.
"Totoo bang gusto mo ako?" tanong ni Dylan.
Tahimik naman ang kaninang madaldal na si Rae. Napatango naman si Dylan na tila ay may napagtanto.
Kinabukasan ay habang abala ang lahat para sa kanilang graduation ay naagaw ang atensyon ng lahat...
Biglang nagplay ang isang video na mga araw na magkasama si Dylan at si Rae. Isinasaad dito na ginagamit daw ni Rae si Dylan upang maging una sa klase. At isinawalat pa dito na may nangyari sa kanilang dalawa na siya ang nagsimula.
Ipinakita rin sa video ang pagtatanong ni Dylan at isang boses naman ang sumagot ng oo kahit di naman ginawa iyo ni Rae.
Hiyang-hiya si Rae. Ngayon alam na niya kung bakit biglaang naging mabait si Dylan, biglaan niyang naging kaibigan si Dylan at nagsisisi siya kung bakit siya nahulog sa baklang iyon.
Puno ng tawanan, pandidiri at panunukso ang gymnasium. May bigla namang sumigaw, si Kaye, kaibigan ni Rae.
"Wala ba kayong magandang magawa at iyan ang gusto niyong gawin?! In-edit lang ang videong yan mga baliw!!! Naniwala naman agad kayo?! Bumukas ba yung bibig nung tinanong siya?! Ha?! Mga gunggong!!!!"
Napatango nalang ang lahat ng nasa gymnasium, samantalang bagsak na bagsak naman si Rae. Patakbo siyang lumayo sa lugar na iyon at kaagad naman siyang sinundan ni Kaye.
Si Kaye ang nakakita ng lahat ng sakit na dinanas ni Rae, at awang-awa siya sa kaibigan lalo na't wala siyang alam na makakapagbawas ng sakit na nararamdaman ni Rae.
Alam niyang nagtatapang-tapangan lang ang kaibigan at ito ang nagustuhan niya dito. Kaya nitong maging matapang kahit na lugmok na ito.
Simula nung araw na iyon, kinabukasan, nagsimula ang bagong mundo ni Rae. Naging bato si Rae, ang ngiting kanyang inaalagaan ay tuluyan ng naglaho. Makita man ang ngiting iyon, iyon ay peke. Itinatak niyang mabuhay para sa ina at hindi para sa sarili.
Napabalikwas ako sa kama, ramdam ko ang luha sa mata ko at agad ko iyong ipinahid. Napanaginipan ko na naman... Naalala ko naman... Bakit di ko ito makalimutan?!!!?!!