Chapter 11 - Baka Sakali

1108 Words
RAILE "Si Dylan... Siya ba?" Anong ibig niyang sabihin? "Siya ba yung sinabi mo nung nalasing ka?" Tinaasan ko lang siya ng kilay... "May nabanggit ka kasi sakin nung naihatid kita minsan... Mukhang may parte sa'yo na---" "Stop." "So, oo nga." napatango nalang siya. "Alam mo, unang tagpo natin--- ay mali. Lasing ako nun, alam mo ba dahilan nun?" Napalingon siya sakin at nagkatitigan kami. "Sinermonan lang naman ako ni fader kasi inuuna ko yung kabaklaan ko kesa sa negosyo namin. Tapos bakit pa daw ako naging bakla... Nadismaya daw siya kasi mataas yung inaasahan niya sakin... Kesyo ganito ganyan... Lahat ng di niya sinasabi, nasabi niya sakin ng biglaan. Nasaktan ako sobra. Pero sabi ni mader, nabigla lang daw si fader kaya nasabi niya yun. Pero diba pag ang tao nagagalit, nasasabi nila lahat ng kinikimkim nila? Pero inintindi ko kasi alam kong ako yung mali kaya ayun, tinanggap ko yung proyekto. Tapos, idagdag mo pa yung kaanghelan na ginawa mo sakin, sumaya ako. Ibang tao nga tinutulungan yung iba ako pa kaya? Bakit di ko kayang tulungan ang sarili ko?... Okay na kami ni fader, tinanggap niya ako nung nalaman niyang bakla ako. Pero ang sa kanya lang daw, ay ayusin ko rin yung trabaho ko kasi para rin naman yun sa future ko... Kaya sinunod ko siya. At ginagawa ko yung best ko para lampasan ang expectations niya, kasi kahit di naman niya sabihin alam kong nag-eexpect siya ng malaki sakin lalo na na ako ang may hawak sa negosyo namin. Si Kuya Cholo, police. Si Kuya Chito, attorney. Si Ate Cheska, doctor. Si Ate Chandria, chef. Kaya sa akin ang bagsak ng kompanya... Pero kahit ganun, iniisip ko nalang na para sa akin 'to. Sa future ko. Pinagbigyan ako ni fader na maging baklush kaya pagbibigyan ko rin siya kahit fashion designing naman talaga ang gusto ko... Ikaw ano ba pangarap mo?" Umayos siya ng upo samantalang tumahimik lang ako. Handa na ba akong magtiwala uli? Di naman lalayo pa ang usapan namin, 'ata. Pero puwede namang konti lang sabihin ko... Tama konti lang. "Mga anong taon mo balak magsalita?" pamimilosopo niya. Napahampas naman ako sa braso niya ng wala sa oras. "Kukutusan kita sa ribs. Cheret! Alam mo pangrap ko dati? Makain yung buwan." Napangiti naman ako sa sobrang pagka-isip bata niya. "Eh mas malaki pa nga yan sa'yo." komento ko. "Ewan ko. Kasi akala ko puro keso yun, tsaka akala ko kasinlaki lang yan nung bilao eh, di ko naman akalain na halos one-third pala ang laki niyan sa Earth." "Tapos?" "Gusto ko rin dati makapunta sa gitna ng rainbow." "Para makita yung baul na puno ng ginto?" "Hindi, gusto ko kasing makita yung unicorn. Marami kasi akong wish.... Sa tingin mo totoo kaya ang unicorn?" Napakibit-balikat nalang ako. "Tapos, gusto ko rin sumalo ng shooting star." "Baliw." "Eh di ko naman alam na nakakamatay pala yun. Akala ko glitters lang ang liit nila, ang laki pala." Tumahimik siya at napatingin sa kalangitan. Samantalang nakatingin lang ako sa kanya. "Bakit ka nagkekuwento?" "Nagbabakasakali kasi akong magkukuwento ka. Di naman pala." napasinghap nalang siya at napanguso. "Eh binigyan mo ba ako ng chance?" liningon siya at napangiti nalang ako. Alam kong pagsisisihan ko 'to pagdating ng araw pero bahala na. "Wag kang tumingin sakin, kukunin ko mata mo tapos idodonate ko sa mga bulag." banta ko sa kanya at sinampal siya ng mahina para mapaharap sa dagat. "Gusto ko lang yumaman, noon. Mahirap kasi kami, pero ngayon, di ko na alam gusto ko." maiksi kong pahayag. "Ay, konti lang? Akala ko naman mag-aala MMK tayo dito. Hinanda ko na yung luha ko eh." "Wag ka nang magtanong. Di ka naman magagandahan." "Sure ka?" "Oo." "Eh ako ba ikaw?" "Hindi." "Ganun naman pala eh. Kuwento ka na." "Ayaw." "Di mo pa naman kinukuwento eh. Malay mo magandahan ako tapos ipasa natin kay Ma'am Charo, o diba?" "Eh sa ayaw ko." "Sige basta kaibigan na tayo." "Ayaw ko rin." "Rae?!" "Basta wag kang manghuhuli ng palaka at... Wag kang magkukuwento na takot ako sa palaka kundi..." "Kundi ano?" "Goodbye Philippines ka." "Ang harsh mo." "Bakit? Atleast di sinungaling." "Wag ka ng magsusungit." "Di ko maipapangako." "Magpapakabait ka na sakin." "No comment." "Wag kang pilosopo." "Eh sa gusto ko?" hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "May jowa ka ba?" "Wala." "Ever since?" "O bakit?" "Halata naman eh. Sungit mo kase--- aray! Totoo naman ah--- aray! Bakit mo ako kinukurot?" "Para ka kasing aso ko." "Wow. Nahiya naman ako." "Bakit? Problema natin?" "Sabi ko nga! Kamukha ko aso mo! Siguro kapatid ko yun no? Baka kambal ko yun, 'to naman!" biglang bawi niya. Nagulat naman ako nang sumandal siya sa balikat ko. "Al---" "Inaantok na ako." reklamo niya at kinusot-kusot ang mata niya. "Ayan na yung araw, patulog ka palang." "Inaantok na ako Rae." bigla niyang yinakap ang braso ko. "Bitaw." "Patulugin mo ako, kahit--- aray! Ba't mo pinitik bungo ko?" daing niya habang kinakamot ang bumbunan at halatang inis. "Eh para magising ka." "Mapanakit ka talagang babae ka!" daing niya sabay pout. "Ang ganda mong ingudngod sa buhangin." "Sama mo." inirapan lang ako nito. "Eh bakit ba? Alimango ka naman ah." "Lait pa! Ikinayaman mo yan eh!" "Sa tubig ka pala. Nakalimutan ko." "Sirena?" tanong niya at parang kumikislap pa ang mata. "Shokoy." Sumimangot naman ang bakla. "Wala talaga akong magandang matatanggap sa'yo." "Eh maganda ka naman ah, ba't kelangan pang papurihan ka?" "Oo nga no? Gandang di mo matutumbasan." "Pero ikaw lang ang may alam." "Ikaw namumuro ka na talaga!" "Mainis ka kung totoo." Humugot naman siya ng isang malalim na hininga at kinalma ang sarili. Tiningnan ko naman siya at ngiting tagumpay naman ang makikita sa mukha ko. "Ang ganda mo ngumiti." sinsero niyang sabi. "Ang sinungaling sa impyerno pupulutin." "Eh totoo sinabi ko ah." "Knock on wood." "Pinuri na kita wala ka man lang sasabihing maganda?" "Ayown. May hinihintay na kapalit." "Akala ko makakalusot eh." nakangisi niyang sabi. Tumayo na ako at pinagpag ang buhangin aa pajama ko. "Teka Rae... Si Dylan ba sin---" "Galit ako dun. Okay na?" "Ah kaya pala parang linilibing mo na siya nung nag-uusap kami. " "Mas madaling sabihin na galit ka kesa aminin na nasasaktan ka pala." bulong ko at nagsimulang maglikad at iniwan siya. CHEN "Teka Rae... Si Dylan ba sin---" "Galit ako dun. Okay na?" "Ah kaya pala parang linilibing mo na siya nung nag-uusap kami. " "Mas madalin--- asdfghjklasldjaldlgllsfhk" Hanuuudaw? Ang bilis namang maglakad nitong bruhang 'to. Konti nalang talaga hihiwalay na ulo nito sa katawan niya. Nakoooo, nagtitimpi lang talaga ako. "Hoy! Pina! Hintay naman oh! Pinaglihi ka rin ba sa kabayo?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD