RAILE
"Tara dali." yaya ni Chen papasok.
"Babalik na ako."
"Eh di ka pa nga nakakapasok. Tsaka kakarating mo palang no?"
"Eh tingnan mo sila oh."
Mukhang tinakasan na kasi ng bait yung mga kasama niya. Si Coco nagsasayaw mag-isa. Si Deo nasa bunganga na yung mic tapos kumakanta. Si Benj naman kinakausap sarili niya, nagsasalita mag-isa. Si Pat kausap yung halaman. Eh sino ba jan yung matino?
"Sabagay... Tagal kaya nating nanatili sa kuwarto mo." nakangiti nitong sabi.
"Coco, uwi na tayo." inakay ko si Coco palabas.
"Uhm... Next time nalang tayo magbonding." paalam ni Chen.
Sinagot ko lang siya ng tango at umalis na kasama si Coco na nagha-hum ng Bawal Na Gamot.
Papasok na sana kami nang marinig ko si Chen.
"Good night, Pina."
Di ko na ito pinansin at pumasok na at linapag si Coco sa kama.
---
Ikot sa kanan. Ikot sa kaliwa. Dapa. Tihaya. Tandayan si Coco. Yakapin ang unan.
Kanina ko pa 'to ginagawa mo pero di talaga ako makatulog. Kainis naman. Anong oras na ba?
Alas tres, aga ko naman magising. Eh di nga ako nakatulog. Aish. Makaalis na nga. Humihilik pa 'tong katabi ko, ba't ko pa kasi sinama si Coco?
Lumabas ako at tinakbo ang kokonting distansya papunta sa baybaying dagat. Sa ganitong paraan baka antukin ako lalo na at malamig ang hangin.
Umupo ako sa buhanginan at kalaunan ay humiga rin. Nagsimula naman akong magbilang ng bituin kahit alam kong di ko naman mabibilang lahat.
"Two hundred fourteen... Two hundred fifteen... Two hun--- teka... Baka eroplano 'yan. Sige na nga... Pang-ilan na uli ako nun?"
"Two hundred sixteen..."
"Oo--- ay kabayo!"
Napabalikwas ako at liningon ang nagsalita.
"Ang hard mo talaga." komento nito at tumabi sakin.
"Oy! Alis diyan! Ang laki ng space dun, dun ka!" singhal ko.
"Eh sa gusto ko dito. Bakit ba? Allergy ka ba sa bakla."
"Oo." bulong ko at umiwas ng tingin. "Alis ka nga sabi eh! Tsupe!"
"Alam mo gusto ko yung side mong maladragon kesa sa pilosop--- aray! Totoo naman ah.''
"Alis nga sasabunutan kita!"
"Bet ko yan kesa sa--- aray! Ba't mo ako sinapak?!"
"Bakit? Anong inaasahan mo?"
"Sabuno--- aray! Rae!"
"Eh yun hinihintay mo eh, pinagbigyan ko lang naman."
"Boss mo 'kong bruha ka tapos ganito ginagawa mo sakin." reklamo niya habang hawak ang pangang natamaan ko kanina, gulo rin ang buhok niya kaya lihim akong ngumiti. "Eh may kasalanan ka pa sakin."
"Eh di naman working hours ngayon ah." pag-iiba ko.
"Lakas mong sumapak, nag-jigym ka ba?"
"Eh! Umalis ka nga diyan!"
"Isa pa! Hahalikan kita!"
Natameme ako at di na rumeklamo.
"Higa!" utos niya sakin. Humiga na rin ako kaya magkatabi kami ngayon. "Yun lang pala magpapatahimik sa'yo eh."
"Baliw."
"As if chochorva ako ng merlat, no way. Pero kung ikaw lang rin naman, puwede na rin."
Inangat ko ang kamao ko at akmang susuntukin siya nang...
"Cheret leng! Tabi kasi tayo ayaw mo."
Nagulat naman ako nang may kung anong gumalaw-galaw sa buhok ko.
"Alisin mo kamay mo bakla." pagbabanta ko.
"E wala naman kamay ko sa ulo mo ah." depensa nito.
"Ako ba niloloko mo---"
Nahinto ang pagsasalita ko nang ipakita niya ang dalawa niyang kamay na nasa tabi niya lang pala. Umupo siya para ipakita ito sakin at bebelatan na sana ako...
"Uy ang cute ng froggy..." manghang sabi niya. Dagli naman akong napabalikwas at gulat na napayakap sa kanya.
Alam kong nagtatapang-tapangan ako, pero wag lang iduduro sa palaka ayoko!!!!
"WAAAAAAAAAHHHH!!!!!" tili ko habang halos sakalin na siya sa pagkahigpit ng yakap ko.
CHEN
"WAAAAAAAAAHHHH!!!!!" gulat na tili ni Rae at biglang napayakap sa akin.
Nagulantang ako at di nakapagreact, di ako nandidiri sa palaka pero sa girl oo, pero ba't di ko magawang umangal sa yakap na ginawa ni Rae.
Nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko habang nakapulupot ang mga braso sa likod ko.
"A-andya...dyan p-pa b-ba?" uutal utal niyang sabi.
"W-wala na."
Chineck niya muna kung nanduon pa at nang makumpirma ito ay umayos siya ng upo.
Biglang na-awkward ang eksena namin kaya humalakhak nalang ako bigla.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"
Napasapo nalang siya ng noo at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay. Ang cute--- ng kamay.
"Ang salba-salbahe mo sakin tapos sa palaka aatras ka??? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Di ko kaya---- hahahahaha!!!! Takot sa palak--- aray!"
"Masaya ka na?" naniningkit matang tanong niya.
"Di ba halata???" pabalang kong tanong. "HAHAHAHAHAHAHAHA--- aray! Oo na titigil na." ikaw kaya kurutin, mapanakit talaga 'tong babaeng 'to. "Pero isa nalang talaga.... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!!!"
"Tapos na?"
Tumango ako habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mata ko. Nakakatawa kasing isipin na yung kasing bangis niya takot sa palaka.
"Pero nashock rin ako, takot pala ang dragon sa palaka. Makahuli nga ng marami--- aray!"
"Ikaw bakla tumigil ka."
"Kuwento ka muna."
"Ng ano?"
"Bakit ka takot niyan."
"Ayoko."
"E di sisimulan ko na ang paghuhul--- aray! Rae naman!"
"Oo na magkukuwento na ako."
"Sige."
Tiningnan ko siya mata sa mata at ngumiti ng napakalawak. Ano? First time niyang mag-oopen sakin, feeling victorious ang nararamdaman ko. One point for Chen!
"Eh nandiditi ako sa kanila, tsaka nadala na ako noon nung bata ako at may pumasok sa damit kong palaka. Ayun."
Triny kong pigilan ang tawa ko kaso biglang may di kaaya-ayang lumabas.
"Chen! Ang bahoooo!!! Ilabas mo nga yan! Ayun o CR! HAHAHAHAHAHAHA!" nagulat ako nang marinig ang tawa niya na ngayon ko lang narinig.
Tila natulala ako at tanging tawa niya lang ang narinig ko.
"Ambahooooo! Dami mo kasing kinakain! Hahahahahahahahaha amoy imburnal! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"So gumaganti?" tanong ko sabay irap.
"Baliw."
"Gaga--- aray! Ano na naman?!"
"Wag kang magsasalita ng ganyan."
"Ng ano? Ng Gaga--- aray! Oo na! Gag---"
Akmang hahahampasin niya na ako nang iniba ko ang pangungusap.
"Gaganda ka kung tatawa ka. Okay na?"
Huminto naman siya at tumahimik. Ilan pa ang nagdaang minuto hanggang sa magdesisyon akong basagin ito?
"Teka... Rae?"
Napatingin naman siya sakin. Ayan na naman yung mata niyang napakalungkot. Yung makikita mo kung gaano siya kavulnerable pero takot siyang ipakita... Tama ba ako?
"Si Dylan... Siya ba?"