Two

2153 Words
            After the wedding, pumunta na kami ng reception. Hindi niyo alam kung ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit ako sumama. Dapat umalis na lang ako before the wedding started. Ano ba namang paki ko kung mapahiya siya? I don't know him at hindi ko na problema kung hindi siya sinipot ng babaeng papakasalan niya dapat. Ni hindi nga ako nakonsensya na iniwan ko yung lalaking papakasalan ko sana kasama ang pamilya ko.             Ngayon hindi ko alam kung nasaan na yung lalaking yun. Kailangan ko na talaga umalis. Kanina pa nagba-vibrate ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng suot kong stockings. I'm sure mga kaibigan ko na yun o kaya ang kapatid ko. Baka nag-aalala na sila. Nakakabwesit noh? Kung kelan naman natakasan ko na ang sarili kong gulo, nadamay pa ako sa gulo ng ibang tao. How I wish this is all a dream pero ilang beses ko ng kinurat ang sarili'y di pa rin ako nagigising.             Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang lalaking pinakasalan ko kuno. May kausap siya sa telepono kaya naman tumayo na ako. Bahala na sila dito. Tapos na ako dito. Natulungan ko na siya. That's enough for today. Kailangan ko na rin magpahinga. Ang sakit-sakit na talaga ng paa ko.             "Saan ka pupunta?" tanong ng isang babae ng makita akong tumayo mula sa kinauupuan ko.             Hindi ko siya sinagot at tumayo na at umalis. Nakita ko ang lagkunot ng noo nito. Mukhanhg hindi nya nagustuhan ang pag-alis ko but who cares? I don't even know her. Pumunta muna ako ng cr para kunin ang cellphone ko na nasa hita ko at mabilis kong kinontak ang mga kaibigan ko. "Hello?" bati ko sa kabilang linya.             "Baklaaa!!!! Where are you na ba? We've been looking for you nang ilang oras na. Nahanap ka na ba ng mga magulang mo?" nag-aalalang tanong ni Mico.             "Where are you guys? I'm still inside the resort. Something happened. It's a long story. Basta kunin niyo na lang ako rito." wika ko.            "Andito pa kami. Saan ka ba exactly?"            I sighed. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nasa reception ako ng KASAL KO. Nakakatawa naman kung yun ang sasabihin ko sa kanila. I need to remind you guys again that I ran away from my own wedding for a reason na hindi ko kilala ng lubusan ang groom ko and then here I am at nagpakasal sa taong kahit pangalan hindi ko alam. Of course I heard his name kanina pero hindi ko na maalala. It's not important anyway.              "Let's meet sa labas ng cottage. Please bring extra clothes. I'm still wearing this goddamn wedding gown."              "Gumala ka sa resort na toh wearing that? Mabuti hindi ka pinagtitinginan ng mga tao? And Herrera ka bakla, baka nakakalimutan mo na. Baka may mga nakakilala sa'yo."              I rolled my eyes. "That's not important. What's important now is we need to go away from here. Please ihanda niyo na ang mga gamit ko paalis dito. Ayokong ma-track pa ako nina mommy." wika ko.              "No problem. Everything is fixed."              "Don't make banggit-banggit that word." biro ko.              He chuckled. "Anyway, sige na. Magkita na lang tayo mamaya. Marami kaming ikukwento sayo about your parents' reaction when they found out that you left."              "Okey. Bye." saka binaba ko na ang tawag. Nakahinga ako ng malalim. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.              Dahan dahan kong pinunit ang suot na gown para naman kahit paano'y mabawasan ang bigat nito. Ang laki-laki kasi. Imagine me running wearing this. Nakakaloka talaga yun. Pwede na akong mag-marathon. Nang magmukha na lang dress ang suot ko ay saka ako lumabas ng cr pero napakunot-noo lang ako ng makitang nasa labas ang babaeng nakausap ko kanina. Nakasandal siya sa pader habang tila may hinihintay.               "And where do you think you're going?" seryoso niyang tanong sa akin.               Nilagay ko ang isang kamay sa beywang at tinaasan siya ng kilay. "Aalis na. Natulungan ko na ang ano mo ba yun? Whatever. Basta. My friends are waiting for me outside. Thanks for the food." wika ko.               "You can't leave. They'll look for you. He'll look for you."               "That's really none of my business, Ms....?"               "Rodriguez." sagot naman niya.               I fake a smile. "Ms. Rodriguez. Yes. Anak ka nga pala ni President Rodriguez. So kapatid mo yung lalaking pinakasalan ko kuno?"               Humugot siya ng malalim na hininga. "Ms. Herrera, you can't leave my brother. Akala niya ikaw si Siara." may frustration sa boses nito.               "I already told him that I'm not Siara. Hindi ako parte ng gulo na toh. I'm really not in the mood for these. I need to go. My friends are waiting for me and may flight ako tomorrow. Hindi ako pwedeng ma-late. My parents are after me."               "You're already married to my brother, Ms. Herrera-- or should I call you Mrs. Rodriguez?"               Napa-facepalm ako. "Sa papel lang kami kasal and hindi ko naman ginusto yun. I just saved him sa kahihiyan. Dapat magpasalamat pa kayo sa akin."              "How about let's make a deal?" aniya.              Seryoso akong napatingin sa kanya. "What deal?"              "Katulad ng sinabi mo, mukhang pinagtataguan mo ang mga magulang mo. That means, wala ka ng mapupuntahan at siguradong wala ka ring pera. How about, magpanggap ka bilang asawa ni kuya ng ilang buwan at babayaran kita? Your parents don't need to know kung nasaan ka. I can hide you."              I laughed. "Do you really think na papayag ako? Alam mo ba kung bakit ko pinagtataguan ang mga magulang ko?"              "Does it really matter?" tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko sa kanya. "Fifteen million." aniya.              I raised my eyebrow. "What?"              "Fifteen million kapalit ng pagpapanggap mo. I can raise it kung tingin mo konti pa yun."              Napanganga ako. Fifteen million? Talagang magbabayad siya ng ganun kalaki para lang magpanggap ako?              Pinag-isipan ko ang sinabi niya. Tss. He's good-looking. Maganda din ang tindig niya. Perpekto ang mukha. Kahit saang anggulo, gwapo talaga. Napakayaman pa. Hindi ko maintindihan kung ano ang sitwasyon nila at kung bakit hindi dumating yung Siara na yun sa kasal niya dapat. I don't even understand kung bakit hindi man lang nakita nang lalaking yun na hindi ako si Siara. Ganun ba talaga kami na magkamukha.              "Twenty million. Take it or leave it."              I smirked. "Why do you need someone to pretend to be his wife?" natatawa kong tanong.              "Because Siara didn't arrive and he thought you're Siara. Please. Babayaran kita just please pretend that you're Siara whilw we're looking for her. I'm sure it won't take that long." may bahid ng pagsusumamo sa boses nito.               Now, naiiintriga na talaga ako sa Siara na yan. "Bakit naman niya inakala na ako si Siara??"               Lumapit siya sa akin. "I know It's really weird pero magkamukhang magkamukha talaga kayo." aniyang tila hindi makapaniwala habang nakatingin sa mukha ko.                Napailing ako. Really? May kamukha na pala ako ngayon? I'd likw to meet her sooner. "Okey. Deal. Twenty million. Malaking tulong na rin yun sa plano kong pag-alis. I'll ask my friend na i-cancel ang flight ko bukas."                Hindi ko na papalagpasin toh na. Twenty milkion is a big amount. Saan ako makakahanap ng ganun kalaking pera? Ilang buwan lang toh. Ilang buwan lang.                Ngumiti siya. "But first, baka gusto mo munang magbihis?" aniya habang nakatingin sa suot ko.                Inirapan ko siya saka inayos ang suot-suot kong damit. "Magkikita kami ng mga kaibigan ko and dala nila ang iilang gamit ko. Pwede ba akong umalis?"                "No. Hahanapin ka nila."                "Sandali lang naman. Hindi ako aalis."                "Okey pero sasamahan ka ng mga bodyguards namin. Kailangan ko manigurado." aniya.                I crossed my arms. "Hindi ako tatakas kung yan ang iniisip mo. Marami na akong tinatakasan ngayon. Sapat na sila and you said kaya mo akong tulungan so bakit ko naman iyun tatanggihan?"                Tinitigan niya akong mabuti. "Okey bur uuwi ka agad dahil hahanapin ka ni Kuya. This interaction didn't happen pag nagtanong siya. You'll pretend you're Siara when you're with him and we're good. Sayong sayo na ang twenty million pag nahanap na namin ang babaeng yun."                Tumango ako. "Okey. Deal. I'm a good actress too. I can act. Don't worry." wika ko saka kinindatan siya.                I met up with my friends. Nagulat pa sila ng makitang may mga nakasunod sa akin. Noong una ay akala nila na mga guards nina daddy but I reassured them na hindi alam nina daddy na andito ako and kilala ko ang mga nakasunod sa akin.                "Ano ba talagang nangyayari?" nagtatakang tanong ni Mico habang di pa rin natatanggal ang tingin sa mga guards na nakatayo sa likod ko habang kumakain kami.                "It's a long story. Hindi niyo maiintindihan."                Lyla rolled her eyes. "We're already here, Gianne. Sa dami ng nangyari today, hindi na mahirap para sa amin na i-absorb ang mga kalokohan mo. Now tell us what's happening. Accessories to the crime kami ni Mico. If your parents find out about this, we're doomed!"                I sighed. "I'm married." walang kagana-gana kong wika saka tinaas ang isang daliri ko na may singsing.                Parehas silang natigalgal sa narinig. "You gotta be kidding me."                "I'm not. I'm married. Those fellas at my back, they're my husband's security guards." wika ko.                Mas better na rin siguro na yun ang alam nila. Minsan lang ako magsinungaling sa mga kaibigan ko. Actually, ngayon lang ako magsisinungaling sa kanila. Sana mapatawad nila ako pagkatapos ng lahat ng toh. I'll explain everything to thrm after. I promise.                "P-paano? Wala kaming alam na sineryoso mo, Gianne. Hindi ko ma-imagine."                "Long story nga. That's why I don't want to marry Gerald because I love someone else. I don't want my parents to know. Wag niyo sana banggitin sa kahit sino. Kahit kay Kuya. Ayaw ko muna na malaman niya. Kanina lang kami nakasal." pagsisinungaling ko. Hays, ilista mo na labg muna diyos ko ang mga kasinungalingan ko. Babayaran ko rin yan later.                Napailing si Mico. "Hindi ako makapaniwala. You asked for our help without telling us???? Gianne!!! We've been friends for like what? Eleven years? Twelve? Nagsinungaling ka sa amin. Naglihim ka. You're unbelievable."                "Everything was so messed up. I don't want anyone to know dahil pag nakarating yun kina mommy siguradong hindi sila papayag."                "Do you really think sasabihin namin kina tita??? Come on Gianne. You're married at hindi man lang kami invited sa kasal mo??"                "Sa susunod na kasal ko na lang. Basta. Wag na muna nating pag-usapan toh please?"                Kahit anong pakiusap ko sa kanila na tigilan na muna ng topic na yun ay hindi pa rin nila ako tinigilan. They keep on asking me about him. Buti na lang ay lumapit sa akin ang isang body guard at sinabing hinihintay na daw ako sa reception ni Mr. Rodriguez kaya nagkaroon ako ng dahilan para magpaalam sa kanila sandali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD