"I thought your parents are here." wika ko kay Tyron. Oo, nalaman ko na Tyron pala ang pangalan niya. Binigay na sa akin nang kapatid nito ang lahat ng impormasyong kakailanganin ko. She even asked me to act like Siara. Mapapasubo nga talaga ako.
"My dad's currently in Japan for a state visit. My mom came with him." aniya.
Tumango ako. Akala ko kasi talaga andun kanina ang mga magulang niya. Though, this is just an act, kinakabahan pa din naman ako. Aba, presidente yung pagsisinungalingan ko. Kasama na rin pati ang buong pilipinas. Hindi basta-basta ang napasok ko. Isang pagkakamali lang, patay kaming dalawa ng kapatid niya. Baka ipakulong pa ako ng tatay niya.
It's really hard to pretend as another person in front of someone who knows her so much pero hindi naman aiguro masyado. Akala nga niya ako yung Siara na yun diba?
Umupo siya sa kama saka sumandal sa headboard. He's now wearing a simple shirt and a pajama. Nandito kami sa loob ng hotel sa resort. Gusto ko sanang matulog sa ibang kwarto kaya lang baka magtaka siya kung bakit ko gugustuhin na doon matulog.
"I still can't believe we're married." aniya pagdaan ng ilang segundong katahimikan.
Kung alam lang talaga niya kung sino ako. Dude, you'll change your mind. Hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang itsura ng Siara na yan dahil wala naman daw'ng picture niya yung si Tyra, yung kapatid ni Tyron ng babaeng yun.
I smiled. "So, pwede na ako matulog?" pagbabago ko na lang ng topic.
Tumango siya saka umusog ng konti papunta sa right side ng kama. Sumwnyas siya na humiga na ako sa tabi niya. Napalunok ako. I can't sleep beside him for pete's sake. Kasama ba toh sa usapan? Fck. Bakit di ko toh naisip? Paano kung hilingin niya na may mangyari sa amin? Anong sasabihin ko? Alangan namang kasuhan ko siya ng r**e. May maniniwala kaya sa amin eh ang alam nila, asawa ko siya. Fck. Kung sana pala ay pumayag na lang ako na magpakasal sa Geral na yun noh?
Tinignan ko si Tyron na ngayon ay prenteng prente ng nakahiga sa kama saka in-off ang lampshade sa tabi niya. Tapos ay sa sofa na sobrang liit na mukhang hindi pa ata ako magkakasya.
I have no choice. Dahan-dahan kong lumapit sa kama saka umupo sa tabi ni Tyron. Nakita ko siyang ngumiti saka nilapitan ako at bigla na lang akong hinapit sa tahiliran kaya nan napasinghap ako lalo na ng niyakap niya ako pahiga.
"Are you okey?" tanong niya.
I nodded. "I'm okey pero kailangan ba talaga na nakayakap ka sa akin? Hindi kasi ako sanay eh." nahihiya kong wika. Bahala na. Kesa naman hindi ako makatulog ng maayoa nang dahil sa kanya.
Natatawa siyang umurong ng konti palayo sa akin. Inayos niya pa ang mga unan naming dalawa baho aiya humiga ulit. "Okey ka na ba dito?" malambing niyang tanong.
I nodded. "Thank you."
"Anyway, saan ka galing kanina? Bigla ka na lang nawala?" tanong niya.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Akala ko ay nakalimutan na niya iyun at hindi na niya ibi-bring up pero heto nga at naalala pa pala niya. Mahirap talaga mag-assume dahil madi-diaappoint ka lang sa huli. Charot.
"I-I... Ano... Naglakad-lakad lang sa tabing dagat. Alam mo na... Lumalanghap lang ng fresh air." pagdadahilan ko.
"Really? I looked for you. Sinabi ni Tyra na nakipagkita ka lang daw sa mga kaibigan mo."
Napapikit ako. Sana pala nagsabi na lang ako ng totoo dahil alam naman pala niya pero bakit kailangan pa niyang itanong? Don't tell me nagdududa siya.
"Ahm nagkita kami ng mga kaibigan ko but my original plan ay magpahangin lang sana but my friend called me sa phone kasi." ang galing ko magsinungaling noh? After this, please remind me na magsimba araw-araw at humingi ng kapatawaran sa diyos not just for lying but also for running away from my wedding and from my parents.
"Anyway, nakakain ka ba kanina? Hindi kita nakitang kumain eh. Baka gutom ka na?"
"Kumain ako kasama ang mga friends ko." which is true naman. Kumain naman talaga kami nina Mico.
"Bakit nga ba ang tagal mo dumating sa simbahan kanina? May mga sinabi ka nun na hindi ko maintindihan. Ngayon ko lang naalala."
Napahugot ako ng malalim na hininga. Bakit ba ang tulis ng isip niya? Saka bakit ba ang dami ng tanong niya?? Nahihirapan na kasi talaga akong sagutin dahil natatakot ako na baka may masabi ang dila ko na dahipan ng pagdududa niya. Sayang din ang twenty million saka nakakatakot na baka siya mismo ang magpakulong sa akin oras na malaman niyang nagpe-pretend lang ako. I think he really likes the girl. I still wonder why she didn't show up eh ang perpekto kaya ng lalaking toh?
"Pwede bang matulong na lang muna tayo and bukas na lang mag-usap?" tanong ko.
Humarap siya sa akin saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. Sinubukan ko siyang tingnan but I can't kaya naman sa kisame na lang ako tumingin. I heard him sigh. "Goodnight, wife." bulong niya sa akin bago niya tinanggal ang isang kamay sa pisngi ko at umayos na ng higa. Doon lang ako nakahinga ng malalim. Dear god, ikaw na ang bahala sa akin.
Nagising akong magaan ang pakiramdam. Inunat-unat ko ang mga braso ko. Nagulat ako ng makitang nasa unfamiliar place ako. Pinagmasdan ko ang paligid bago nagsink in sa akin ang mga nangyari kagabi. Mabilis akong umupo sa kama saka pinroseso sa isip ang deal namin ni Tura Rodriguez about his brother. I thought it was just a dream.
Tumayo na lang ako at dali-daling nag-ayos ng sarili. Lalabas na sana ako ng kwarto para makipagkita na lang kina Mico ng bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Tyron.
"Where are you going?" nagtataka niyang tanong.
"Maglalakad-lakad lang sana sa labas?"
"Kumain na muna tayo? Bumili ako ng mga pagkain sa labas. Medyo nagsawa na kasi ako sa pagkain dito sa hotel kaya naghanap ako ng foods mula sa labas." aniya saka pinakita ang dala-dalang plastik.
I didn't have a choice plus gutom na rin talaga ako. Naririnig ko na ngang kumukulo ang tiyan ko. Lagi naman talaga akong gutom. Inayos niya ang mga pagkain sa paper plate na binili saka kumain na kaming dalawa. I looked at him intently. I need to be nice to him since he's my boss kahit hindi niya alam. Tyra was right. I need him right now. He can protect me. He can hide me from my parents. May kapangyarihan siya para gawin lahat.
"I want you on my side at all times--"
"What??? Hindi pwede. Okey na sa akin ang first pero--"
"Okey. Okey. Pagkailangan na lang but I need to know kung kumusta ka kaya kailangan kitang pasamahan sa mga bodyguards ko."
He was giving me instructions habang andito daw kami sa resort. Medyo naloloka nga ako eh. I'm not allowed to interact with other guys daw dahil ayaw niya ng gulo. Hindi ko alam kung anong gulo ang mangyayari kung makipag-usap ako sa mga lalaki. Minsan hindi ko rin siya gets. Ilang araw niya akong hindi kinausap after that night and now he wanted to talk to me for this.
"You're a possessive husband." pang-aasar ko pero totoo yun actually. Mukha siyang possessive. Baka naman nasakal sa kanya yung Siara na yun kaya hindi sumipot? But I remember, ang saji ng mga kaibigan niya ay pumirma siya ng parang kontrata na ibig sabihin ay pumapayag siya na pakasalan ang lalaki. Ang gulo noh? Gulong gulo na ako talaga pero mukhang wlaang may balak na i-explan sa akin ang lahat. Hindi naman pwedeng si Tyron ang tatanungin ko dahil akala nga niya ako si Siara. Hay naku.
Tinignan niya ako saka ngumiti. "I am."
Napaiwas ako ng tingin ng makitang mukhang wala siyang balak magbitaw ng tingin. Tsk. Ang gaganda kasi ng mga mata niya eh. Baka matunaw pa ako. Charot.