Lasing na lasing na si Tyron. Nag-inuman kasi sila ng tatay niya kanina. Ang bigat bigat pa naman niya ng tulungan ko ang mga bodyguards niya na ilagay siya dito sa kwarto. Dito na muna kami matutulog. Hindi siya pwede mag-drive ng lasing. Ngayon ay pinagmamasdan ko ang mukha ni Tyron na mahimbing na mahimbing na natutulog habang nangangamoy alak siya. Ang gwapo talaga. Kung talagang wala lang laman yang puso mo at hindi ka habol-habol sa isang babae na hindi ka naman mahal? Baka pinikot na kita. Kaya lang hindi ko naman trabaho ang mamikot ng mga lalaking pagmamay-ari na ng iba. I know I'm a slut and I flirt with guys alot but as I said before, I know my limits. Hindi ko gawain ang maghabol sa mga taong may hinahabol ding iba. Inayos ko ang iilang hibla

