"P-pwede ba ako mag-cr?" tanong ko kay Tyron na nasa tabi ko. Kaninang umaga lang ay pumunta sa mansyon ni Tyron si Tyra para dalhan ako ng masusuot at para ayusan na rin ako. Kung sa fashion sense na lang, bilib naman ako sa babaeng yun. Maganda naman ang fashion sense niya pero yung sense humor. Doon talaga siya sinumpa, kung anu-anong biro ang binabato niya na hindi naman nakakatawa. Imbes na bigyan ako ng advice sa kung paano harapin ang mga magulang niya ay mga walang kabuluhang bagay lang ang mga lumalabas sa bibig ng babaeng yun. Nakakaloka. "Okey. Alam mo naman siguro kung nasaan ang cr?" Natatawa ko siyang tinignan. "Hindi eh. Saan ba?" aba! First time ko dito sa malacanang for pete's sake. Sa laki nito, baka mawala na naman ak

