Six

1718 Words
             Napasok na namin ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan and now we're leaving. Ang damung tanong ni Tyron pero wala na akong panahon para sumagot saka isa pa, kahit i-explain ko, di nya maiintindihan. He thinks that I'm Siara nga diba?              Tinawagan ko si Mico sa updates kung nasaan na ang mga magulang ko. Wala daw siyang alam. Ang alam lang niya ay papunta ang mga ito dito. He heard from my brother.              "What's happening? Naguguluhan na ako." ani Tyron na nakaupo sa tabi ko habang palinga-linga ako sa paligid. I know na hindi naman kami kita mula sa loob. Except sa dahilang gabi na ay tainted ang bintana ng sasakyan.              May tatlong bodyguards kaming kasama sa loob. Dalawa sa likod at isa sa harap. Gusto ko mang umangal ay wala na akong time makipag-argue sa kanya. May mga tatlong sasakyan din na nakasunod sa amin na punong-puno ng bodyguards niya. Kaloka nga eh. Akala ko talaga mga lima o anim lang yan sila pero nagulat na lang ako ng makita silang lahat kanina.              "It's a long story. Stop asking." bulong ko. Nang palabas na kami ng resort ay saktong nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan na papasok pa lang. Bumaba ang bintana sa harapan at sumilay mula doon ang seryosong mukha ni daddy. Marami ding nakasunod sa kanila. I think those are the bodyguards and some police din siguro. Mukhang masuyod talaga nila akong hinahanap.              Nakahinga ako ng malalim ng makalabas na rin kami sa wakas sa resort. I rested my head sa headboard saka pinikit ang mga mata ko. Nakaka-stress din minsan na pagtaguan ang mga magulang ko. Lagi silang nakakahanap ng paraan para mahanap ako but they're unlucky ngayon dahil nakatago ako sa likod ng isang malaking tao and yun nga si Tyron.               I looked at Tyron na mataman din palang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka niyakap ko ang braso niya. I owe you alot dude. Promise, babayaran din kita ng kabutihan. Kung kailangang kaladkarin ko ang Siara na yun sa harap niya pagnakita ko siya ay gagawin ko. I owe him a lot.               "May tinatago ka ba sa akin Siara?" seryoso niyang tanong.               Tinaas ko ang tingin ko sa kanya. "Wala."               "Then ano toh? Bakit nagmamadali kang umalis and who's that Mico na kausap mo sa telepono??"               Huminga ako ng malalim. "Mas maganda siguro kung hindi mo na malaman pa. I mean... Well, malalaman mo din naman pero hindi ngayon ang tamang panahon para malaman mo." wika ko sabay kindat sa kanya.                Mas lalo ata siyang naguluhan sa sinabi ko. "I don't get it."               "Basta. Maliit na bagay lang naman ito. Wag mo na isipin. Anyway, nakausap mo na si Tyra? May number ka niya? Pahingi nga."               Tinignan niya ako na para bang nababaliw na ako. "Kailan pa kayo nagkasundo ng kapatid ko?"               "Uhmmm nung kasal natin. She talked to me kasi and mabait naman siya sa akin." wika ko. Tsk. Mukhang hindi pala magkasundo si Tyra at yung Siara na yan. Kaya pala iba yung paraan ng pagdescribe niya kay girl at parang ayaw niya din sa kasalang naganap. Maybe he's just doing this for his brother.               "Really?" tanong niyang parang hindi pa rin makapaniwala.               I rolled my eyes. "Oo nga. Kahit tanungin mo pa siya. Paki-save nga ng number niya." wika ko saka binigay yung cellphone ko sa kanya.               "And may new phone ka?"               Ugh! Ang dami niyang tanong. Nakakainis na din minsan. Hindi na lang niya gawin ang gusto ko. Tsk. "Oo. Just do what I told you. I-save mo ang number ng kapatid mo."               "Hindi mo kukunin ang number ko?"               Napakamot ako ng ulo. "I-save mo na ang number ng lahat ng tao basta wag mo lang kaligtaan yung kay Tyra." iritado kong sambit.               "Sino tong nasa wallpaper mo?" seryoso niyang tanong saka pinakita sa akin ang picture naming tatlo nina Mico at Lyla.               "They are my friends. Yan si Mico tapos si Lyla naman yung babae."               "Hindi ko sila kilala. Ang tanging pinakilala mo ay yung mga kaibigan mo na dumating sa kasal natin. Bakit hindi nakarating ang dalawang toh sa kasal natin?"                Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ba ang dami mong tanong???? Hindi sila nakarating dahil late ang flight nila. Gawin mo na lang ang sinabi ko para tapos na. You're so noisy."                Nakita ko ang gulat sa mukha nito. Bakit? Hindi ba siya sinisigawan ng Siara na yun? Well ibahin niya ako. Dahil sisigawan ko siya hangga't kailan ko gusto lalo na pag nakakainis na siya.                After ilamg minuto ay binalik na niya ang cellphone ko sa akin. Hindi na siya nagsalita pa. Tinignan ko ang phone numbers na sinave niya doon. Sinave nga niya yung kanya. Ang dami pa. Ilang cellphone ba meron siya? Nakakaloka.                Mabilis kong tinext si Tyra. Kinonfirm ko muna kung siya ba yun. Sinabihan ko siyang tawagan ako. After ilang minuto ay nagring ang phone ko.                "Gianne?" si Tyra nga. Kilala ko ang nakakairita niyang boses eh.                "Hey. Sup." bati ko.                "May nangyari ba? Si Kuya? Nakalimutan kong ibigay ang number ko sayo. We're all in a hurry kasi."                I smiled. "It's okey. Wala namang nangyari. I asked for your number para you know na... Makausap kita at madali kitang makontak kung sakaling maisipan kong magsama ng magbabayad ng kape ko." biro ko.                She laughed. "I really like you Gianne Emilia Herrera. Mukhang magkakasundo talaga tayong dalawa. I did a background check on you and gusto ko lahat ng nakita ko. Reckless, black sheep ng family and I heard na kasal mo din Pala ng araw na yun but you ran away. Omg. I was shook."                Turn ko naman para tumawa. "Oo. Ang hayop ng tadhana noh?"                "Sobra. Who would have thought? That happened for a reason. You ran away for a reason. You were there for a reason."                "Naniniwala ka sa fairytale? Hahahaha nakakatawa."                "Wait, are you with my brother right now?"                I nodded kahit hindi naman niya nakikita. "Ano pa nga ba? Sinong ine-expect mong kasama ko? Si Harry Styles? Kung pwede nga lang sana." I looked at Tyron na ngayon ay nakakunot noong nakatingin sa akin.                Narinig kong tumili si Tyra. "You b***h! Pinagnanasaan mo rin si Harry Styles!!!!"                "Of course. He's hot af. Who doesn't want to get laid--"                "Give me your phone." pagputol ni Tyron sa sasabihin ko. Tinignan ko siya. "Give it to me Siara." ulit niya at ng mapansing wala akong balak na ibigay sa kanya ang cellphone ko ayinagaw na niya mismo ang cellphone ko mula sa akin.                "Tyra???" mukhang galit na galit na ito. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Tyra sa kabilang linya dahil hindi naman naka-speaker ang phone ko. "Wag ngang kung anu-ano ang tinuturo mo sa asawa ko!"                Kung anu-ano pa ang sinabi niya sa kapatid bago niya binaba ang tawag. Akala ko ay ibabalik na niya sa akin ang cellphone ko but instead ay nilagay niya iyun sa loob ng bulsa niya.                 "Give me my phone Tyron." madiin kong wika.                 "Sa akin na muna ang phone mo."                 "Oh come on! Ano bang pinuputok-putok ng butche mo? Give me my phone. Kailangan ko yan!!!"                 "Ibibigay ko lang toh sayo kung may tumatawag."                 "Are you kidding me??? Are you that possessive?? Hindi pwedeng papakialaman mo na lang lahat ng bagay tungkol sa akin. Why are you so worried??? Hindi--"                 "Really??? You're asking me that???? You cheated on me twice but I forgave you!!! Hindi mo matatanggal sa akin na hindi mangamba. Nagawa mo na dati, hindi malabong gawin mo rin ngayon."                 Natahimik ako sa sinabi niya. Wooh. That Siara cheated on him?? And hindi lang isang beses kundi dalawa? And he still managed to forgive her at pinakasalan pa niya? Man, that's martyrdom at its finest.                 Hindi na kami nagsalita pagkatapos nun. Shook na shook na din ako noh. May nalaman akong isang bagay about that Siara. While kasama ko si Tyron mas lalo ata akong naaawa sa kanya. Alam niyo for the first time, hinihiling ko na sana hindi na nila makita ang Siara na yun at namatay na lang sana yung babaeng yun. This guy? Makakahanap pa siya ng taong magmamahal sa kanya. That woman doesn't deserve him at all. Don't tell me she had reasons. Kahit ano pang rason mo kung bakit ka nag-cheat, nag-cheat ka pa rin. Walang sapat na rason ang katanggap-tanggap para lang gumaan yung sakit na nararamdaman ng taong sinaktan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD